Page 1
FADED INK
Page 1
"The more love you give, the more pain it will bring."
Dustin Clark
I'm simply browsing all the comments on my recent review page. My novel was released last time and absolutely, that's a tragic one. There's nothing new about me tho. And a lot of my readers are arguing me, bashing me because I hurt their feelings so much. It's all because of the ending of those stories. Maybe, they don't even know that I'm actually planning the plot for the second part.
So, what's new for this?
Nothing.
How will I give them a happy ending if my life itself doesn't have a happy ending?
Nagtungo ako muli sa window ng facebook ko at muling bumungad sa 'kin ang wedding album ng ex girlfriend ko na si Denise Heart. She's now officially married with the Prince of Egeskov.
Actually, I'm invited in this event. Nagdahilan nalang ako na hindi ako makakapunta sapagkat may mga inaayos pa sa printing warehouse. Pero ang totoo, hindi ako handa na masaksihan ang babaeng pinakamamahal ko na maikasal sa lalaking tunay niyang minamahal.
So, here I am.
I am Dustin Clark Generoso but I'm also known as the famous novel writer Inkless Heart. Yeah, that penname is inspired from her. Want some details about us? Well, we know each other since when I was a child.
Matalik na magkaibigan ang mga tatay namin. My father is the late Commander Clarkson Generoso. He died in their last war kung saan sabay nilang isinakripisyo ang buhay nila ng tatay ni Denise na si Heneral Augustus Maldeva. That was the most sorrowful event that happened in our life. My mother passed away when she gave me birth. That's why I'm all alone. I had a guardian. Si Tita Zarina Generoso na siyang asawa ni retired Judge Bernardo Buencrisostomo. But because I am an anti-social and aloof person ay walang nakakaalam na tita ko at pinsan ko ang sikat na singer/actor na anak niyang si Zyrus Denzel Vlodz. Noong college ako ay nasa poder ako ni Tita, pero nung nagtapos ako ay nagpasya akong bumukod matapos akong maging exclusive writer ng isang sikat na book publication. Ang The Believers Publishing House.
Hindi ko akalain na sa first attempt ko na magpasa ng manuscript ay papasa 'yon. Dahil alam kong napakataas ng standards nila in terms sa literature. Then, I have a blog. Ang' The Ex Files'. Ginawa ko ang blog na 'to noong naghiwalay kami ni Denise. Nasa Denmark siya noon at isang royal guard trainee. Sinunod niya ang kanyang pangarap na siyang pangarap din sa kanya ng kanyang Ama. Kahit na noon pa man na kami ay ramdam ko na tila hindi ko na-fill ang other side ng puso niya.
Hindi ko nakikita sa mga mata niya ang saya na dapat na ako ang makapagbigay sa kanya. Kaya alam ko. Hindi ako ang taong nakalaan sa kanya. But then, I tried to become the man for her. Kahit alam kong paulit-ulit akong masasaktan pero patuloy ko pa rin siyang minahal at umaasa ako na isang araw ay magigising siya na ako na ang lalaking minamahal niya ng lubos.
Sabi naman niya ay minahal naman niya ako. But it's not genuinely deep. Parang sa mga sinusulat kong nobela. May nakalaan na karugtog para sa invisible redstring na naka kabit sa puso mo. Kahit pa na saan ka magtungo o mangyari ay magtatagpo kayo ng karugtong non kahit na ano pang sitwasyon o pagkakataon.
Kaya sa case ko bakit hindi ako maka move on? Bakit siya lang ang babaeng isinisigaw ng puso ko? O dahil nasanay ako sa kanya kasi sa kanya lang umikot ang mundo ko. Akala ko ay gusto niyang mamalagi sa mundong sabay naming ginawa. Pero mali ako, sapagkat gumawa siya ng mundo at hindi ako ang gusto niya makasama sa mundong ginawa niya. Kaya ano ako ngayon? Naiwan dito sa mundong sabay naming ginawa.
"Nako Sir Dustin, h'wag mo na pansinin ang mga negative comments. Para namang hindi nasanay ang mga 'yan. Kahit na ako nga na gusto kong ipukpok sayo ang copy ng book mo sa 'ken. Pero, wala. Nasanay na ako sa mga pananakit mo." Napatingin ako kay Deymisha. She's my co-author kasama rin siya sa editing team. Nandito kami sa Brainstorming office upang pag-usapan ang mga susunod na ire-release na stories sa market.
"Kumusta naman ang story mo? Hanggang kailan magiging tanga si Trisha? Ginigigil niya ako sa katangahan niya. Tama ba na balikan pa ang taong manloloko?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hoy! Ga-graduate sa pagkamarupok ang alaga ko." Isinara ko ang laptop ko. Hinihintay pa kasi namin ang ibang ka-team namin. Always early bird naman kami ni Misha. Pangalawa sa best selling and first part ng book niya.
"Talaga lang ha? Parang last meeting narinig ko na 'yan ah." Nakatuon lang siya sa laptop niya.
"Oo nga, this time totoo na 'to!" Muli kong binuksan ang laptop ko at isinaksak ang flash drive na naglalaman ng mga manuscripts ng mga nagpasa this month.
"Sige, asahan ko 'yan. Ako pa naman ang nakatoka sa manuscript mo. Humanda ka sa 'kin." Binelatan niya ako.
"And I'm sure kay Ma'am Puella ang sa iyo. Mas humanda ka sa kanya." Napalunok ako.
"Di nga?"
"Hihihihihi." She wickedly laugh. Napa-face palm lang ako. Pasalamat siya malayo ang kinauupuan niya.
"Hindi pa rin ba bumabalik si Ma'am Puella? Ang tagal naman ng vacation leave niya?" Nagkibit balikat si Misha.
"Para namang 'di ka nasanay kay Ma'am. Biglaang nawawala." Napatango lang ako. Isa sa kinatatakutang editor si Ma'am Puella. Bukod sa isa siya sa pioneer na staff isa rin siya sa pioneer writers.
"Hello everyone!" Sabay kaming napatingin ni Misha kay Anais. Kasama rin siya dito sa team ko.
"Hi!" Bati ni Misha.
"Hello." wika ko. Naupo siya sa tabi ng kinauupuan ni Misha.
"Sorry, I'm late-oh! Wala pa si Rina?" Tanong niya.
"May nakikita ka bang Rina? May mata ka naman diba?" Tiningnan niya ako ng masama.
"Nakakatawa 'yon?" Natawa lang sa 'min si Misha.
"Hindi." tipid na sagot ko. Nagsisimula na naman mag blast ang metaphors ko kaya nagsisimula na namang mag-shift ang mood ko.
"Paki tawag nga si Rina, kaya di tayo umaasenso lagi kayong late." Napailing-iling lang ako.
"Hi Guys!" Sa wakas ay dumating na siya. Nakapeace sign siya sa 'kin hanggang sa makaupo. Sabay na binuksan nila ni Anais ang laptop nila.
"Si ano ba darating?" Nagtinginan sila.
"Di namin alam." Sagot nila.
"Okay, ano bang bago. Let's begin this meeting."
Lahat sila ay natuon ang pansin sa 'kin. Ako talaga ang nagpapasimula every meeting.
"So far maganda naman ang naging market natin ng mga bagong release this month." Nagsipalakpakan sila. Natutuwa ako sa naging benta ng mga bagong release namin last week.
"Sabi na't papatok lahat. Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon gusto ang mga stories na nakakapanabik." Sabi ni Rina while sipping her coffee. They all agreed. Si Rina ang may hawak ng may matured content na mga stories and also, she's the top one erotic writer dito sa publication.
"Well, halos lahat ng nagbabasa ngayon ay mga teenagers that's why we need to be careful on choosing our content." Napatingin kami kay Anais. She has a point. Maybe because she holds the teen-fiction category. She's also a blogger, at poetry ang forte niya.
"So, let's see sa mga nagpasa ng manuscripts this month kung sino ang pipiliin natin. Mga ilan ang sugguestion niyo na ipasa natin?" I asked them. Matiyaga talaga naming sinasala ang mga nagpapasa. Pagkatapos ay ipapasa namin ang mga napili namin kay Ma'am Puella at kay ano...for final evaluation. Kaya nagtinginan silang lahat pagkatapos ay sabay-sabay na napatingin sa laptop.
"Maybe five?" Si Misha.
"For me, tatlo lang nakita kong may potential ang story." Sabi naman ni Rina.
"Ang hirap mag decide kasi parang deserve naman na lahat mapili pero sige, I agree with Misha. Lima dapat ang piliin." Sabi ni Anais para sa sugguestion. Sa 'kin naman sila napatingin ngayon sapagkat nasa akin ang huling desisyon. Well, nabasa ko naman na lahat ng 'to.
"I agree na lima ang piliin." Napa 'yes!' sign si Misha at Anais at nag-apiran pa. While Rina just rolled her eyes.
"Bahala kayo kay Ma'am Puella." Napacross arms si Rina. Masyado siyang OC pagdating sa mga ini-evaluate na nobela. Si Ma'am Puella ay sobrang strikto dahil siya ang final evaluator. Kapag hindi niya nagustuhan ang mga nobela na napili namin ay masasabon kami ng todo.
"May mga nobela naman na deserve talagang ma publish. Not just because they have so many followers or a lot of reads. Sometimes ang mga undiscovered writers pa ang may potential talaga ang stories." Napataas ng kamay si Misha.
"I totally agree!" We all chuckled.
We're always proud of Misha. Before, she almost gave up on her passion. And then I discovered her stories at ako ang nag-email sa kanya to invite her, para sa isang proposal na ma-publish ang story niya. Unti-unting umangat muli ang confidence niya. Nakilala siya ng lahat and now, isa siya sa nirerespetong writers ngayon. Pantay-pantay ang turing sa 'min ng may-ari nitong publishing house na kibabibilangan namin. Hindi namin hinahayaan na may mahuli.
Umayon din si Rina at Anais. Pinag-usapan pa namin ang patungkol sa limang nobela na ipapasa namin kay Ma'am Puella. Kaya bahala nalang siya kung ano ang ipapasa niya o sisibakin.
"So, right now. Pag-usapan naman natin ang next part ng mga books namin." Sabay-sabay silang napasandal. Si Misha ay napasapo ng noo. Si Anais ay naiiling. Samantalang si Rina ay hindi mapakali. Base sa mga body language nila ay tila hindi pa sila handa na pag-usapan 'yon. Di bale, ako rin naman blanko pa ako sa next part.
"Pwede bang pass muna ako about d'yan Sir?" Natatawang sabi ni Misha. "Kasi naman, nadidistract ako these days. May pogi kasing crew doon sa coffee shop sa ibaba. Kaya kaysa makapagsulat ako habang nakatambay doon ayun, nadidistract ako." Kami naman ang napasapo ng noo.
Seriously?
"So, hahayaan mong nakatengga ang nobela mo hanggang mag deadline, Misha? Alam mong galit ako sa taong late magpasa diba?" she pouted at pinagdidikit ang dalawang hintuturo.
"Opo, tatapusin na. Hindi nalang ako tatambay sa coffee shop sa ibaba." Tinanguan ko lang siya. Since then ay ako na ang naging editor niya.
Mayroon kaming fifty exclusive writers at kabilang na kaming apat doon. Ganito kahirap makapasok sa publication na 'to. They only want a writer na talagang may potential at magaganda ang mga stories. Hindi tumitingin ang publication na 'to kung sikat ka o ano. Tinitingnan dito ang content ng nobela at iyon ang pinagbabasehan. Madali lang naman mag-market ng book basta may unity. Upang ang mga mambabasa na ang kusang hahanap ng stories mo.
"Ako naman, naging busy. Dami kasing ginagawa sa shop. But, don't worry magta-time management ako upang tuluyang matapos ang next novel ko." Sabi ni Anais na medyo disappointed sa sarili. Aside from being an editor/exclusive writer ay mayroon siyang mina-manage na beauty shop sa mall. Tinanguan ko lang siya. Kay Rina naman ako napatingin.
"Me? Broken hearted ako. Wala akong mapagkuhanan ng kilig sa sarili ko. Hanapin ko muna." Kiming sagot niya. Nagulat si Misha samantalang kami ni Anais ay nagkibit balikat lang. Sasabi-sabi lang siya ng ganyan pero bukas tapos na siya.
"Hala? Break na kayo? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ni Misha. Kahit kailan talaga napaka paniwalain niya.
"Ay wow, parang hindi nagsusulat ng ganoong story ah. Ano bang usual na ginagawa ng mga lalaki?" Sagot ni Rina. Nang ma-gets ni Misha ang ibig nitong sabihin ay napatango nalang ito.
"Ahhh, mga manloloko."
"Ahem!" Pakunwari na ubo ko. Aba naman, dapat kong ipagtanggol mga kapwa ko Adan. Napatingin naman sila sa 'kin.
"Ops, sorry. May myembro pala ng loyalista rito na iniwan, sinaktan, at pinagpalit." Tiningnan ko ng masama si Rina. Wala talaga siyang preno kahit kailan.
"Ang saya. Sobra saya." Seryoso na ang tono ko. Natahimik si Anais at Misha. Pasimple silang tumingin sa mga laptop nila.
"Hindi ko naman nilalahat Sir Dustin. Sana nga lahat ng lalaki ay katulad mo na tapat magmahal. Pero kadalasan kung sino pa ang totoo at tapat ay siya pang sinasayang." Sabi ni Rina. Pare-pareho kaming tatlo na inilagay sa bandang puso ang aming mga kamay.
"Aray ah!" Korus naming tatlo na siyang kinatawa ni Rina. Kahit naman madalas na halos puro hugutan ang nagaganap sa mga meetings namin ay mas nakakatulong 'yon upang mas mapaigting ang creative juices o pag blast ng mga metaphors sa mga isipan namin. Dapat kasi talagang napapanatili 'yon para sa sense ng nobela. Nag-change ang topic namin sa mga upcoming na book signings na gaganapin namin.
"Patungkol naman sa locations ng mga gaganapin nating book signings, napabook niyo na sa mga selected malls?" Tanong ko. Back to serious mode na kaming lahat at nag other batch of coffee na pare-pareho.
"Sure ka ba talaga Sir Dustin? Sasama ka?" Tanong ni Misha. Napakunot noo ako.
"Why not?"
"Ready ka na bang madumog uli?" Natawa sila pare-pareho. I sighed. Last book signing namin ay halos magka gera nung lumabas ako. Hindi ko naman akalain na dudumugin ako ng mga mambabasa ko that time. And that was my first booksingning by the way.
"Basta ba maging organized lang at magdagdag ng security. Magiging maayos ang event." Napatango sila. I'm just a human too. Kaya hindi ko alam sa mga trip ng mga taong bumibili ng mga nobela ko. They used to bash me on social media dahil hindi nila tanggap ang mga nangyayari sa mga stories ko. Tapos kapag booksigning ay halos sambahin na ako dahil nagkakagulo siya. Creatures are too complicated.
"Kung pagbalik nalang kaya ni Ma'am Puella natin pag-usapan ang book signing event na nakalatag sa 'tin. Isa pang stress 'yan." Yamot na sabi ni Rina. Well, she has a point. Sana kasi ay bumalik na immediately si Ma'am.
"Sige, pag-uusapan nalang muli ang booksigning kapag bumalik si Ma'am this week. Well, kung hindi natin maaasikaso ang mga manuscript natin, asikasuhin nalang natin itong mga napili nating novels for this month's release." Lahat sila ay nagsitango.
After naming magmeeting ay hindi ako sumama sa kanila maglunch kahit pa na inaaya nila ako. Hindi lang talaga ako nasanay na may kasabay pwera kay Denise back then, sa tingin ko. Sabi ko nga, sa kaniya na halos umikot ang mundo ko.
Napagpasyahan ko nalang na bumili ng clubhouse sandwhich at wintermelon milktea. Nagtungo ako sa favorite spot ko sa may balcony ng fourth floor kung saan tanaw ang mga kaulapan. Spot ko na talaga 'yon noon pa man. Kasi, bukod sa nakakarelax ang spot na 'yon ay doon ko rin siya laging nakikita. It gives me a sense of satisfaction and dignity, lalo na kapag dito ko naisipan itype ang mga nobela ko. Kaya ewan ko lang kung pati ako ay napapansin niya kasi ni minsan ay hindi kami nag-usap kahit pa na nakatambay kami ng matagal sa spot na 'yon.
And as expected ay nandoon na siya. Busy siya sa pagtipa sa mcbook niya. The speed of her fingers while typing is so amazing and admirable. Dahil mahangin sa 4th floor ay inililipad ng hangin ang may pagka wavy niyang buhok. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang paupo sa inuupuan kong sahig. Nakangiti lang ako na binuksan ang laptop ko. Pero ang lubos na kinasasaya ko ay ang unti-unting pagbuo ng mga ideas para sa part two ng nobela kong 'Faded Ink'.
--








