Lilieth's Garden
ARVIN’S POV
“Happy Monthsary Mahaaalll!” Bati ng girlfriend kong si Rosette sabay yakap saakin ng mahigpit.
“Happy Monthsary din Mahal. Tara sa loob may surprise ko sayo” saad ko sa kanya at iginiya ko sya papasok sa dorm ko. dumiretso ako sa kusina upang I-set up ang indoor date namin habang sya ay tumungo sa loob ng kwarto ko kung nasaan ang sorpresang inihanda ko at ng mga kaibigan ko
“ARVIN!” Galit na sigaw nya kasabay ang padabog na yabag papalapit sa kusina.
“Bakit Lilies ang nandito?!” Bwisit na anas nya sakin
“Lilies? pero Roses ang inorder ko dahil yun ang paborito mo” Paliwanag ko sa kanya.
“Eh bakit nga lilies yung nandito?! Umamin ka nga sakin! Si Lilieth parin ba ang iniisip mo?!”
“Rosette naman, Patay na yung tao. wag mo na syang isali sa usa-”
“KAYA NGA EH! PATAY NA YUNG BWISIT NA ATRIBIDANG BABAENG YUN TAPOS SYA PARIN ANG INIINTINDI MO!” Sigaw nya saka itinapon sa sahig ang kulay puting Lily saka ito tinapak-tapakan tumingin sya sakin ng masama saka mabilis na naglakad palabas.
Mabilis ko syang hinabol pero nagtuloy tuloy sya sa kalsada hihilahin ko na sana sya ng biglang tumunog ang isang malakas na busina mula sa isang truck kasabay ang pag ilalim ni Rosette doon.
Sa ilang segundong nahagip ng mata ko ang driver ng truck ay ang pagkakita ko sa isang pamilyar na mukha ng babae.pero impossible yon.
Si Lilieth.
Sya ang nakita ko. pero higit isang buwan na syang patay. Matauhan lang ako muli ng marinig ko ang tunog ng sirena mula sa ambulasya dead on the spot si Rosette sa nangyari dahil durog ng buto nya sa dibdib mula pagkakapailalim sa truck.
“Bro, sorry for your loss.” Tinapik ni Aldrich ang balikat ko saka tumabi sakin
“Dude, Nandito kami para sayo” pampalubag loob naman ni Eldon sakin habang nasa waiting area ng crematory. Tumatangis din ng iyak ang mga Mama ni Rosette habang ang Papa nya ay nasa prisinto dahil nahuli na raw ang driver ng truck
“Ambilis ng pangyayari bro. After Lilieth ngayon si Rosette naman.” pabulong na biro ni Aldrich habang bahagyang natatawa
“Shh! Aldrich,Dude wag mo na ngang binabanggit si Lilieth” pabulong pero may diin na sabi ni Eldon humingi naman ng sorry si Aldrich sa pagbanggit sa pangalan ni Lilieth.
“Arvin, anak... diba sabi mo nakita mo yung mukha nung driver? Utos ni Tito Arturo mo tumungo ka daw sa police station para kumpirmahin yung truck driver na nahuli” sabi saakin ni Tita Poppy na syang Mama ni Rosette.
“Opo Tita. kayo na pong bahala sa abo ni Rosette, babalik din po kami agad” tumango sya kaya inaya ko na sila Eldon at Aldrich para samahan ako sa pulisya.
Habang nagmamaneho papunta doon ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa dalawa na si Lilieth ang nakita kong driver ng truck na sumagasa kay Rosette.
Alam ko namang hindi sila maniniwala gaya ng sinabi kong Lily ang bulaklak na inilagay nila sa kwarto kahit rose ang inorder ko.
Sila kasi ni Aldrich ang nag ayos ng dorm ko habang magkasama kami ni Rosette sa park matapos ko syang sunduin sa klase nya. Pagdating namin sa police station ay nakita ko agad si Tito habang pilit na inaawat ng kapulisan sa pagsuntok sa umiiyak na truck driver parehas na parehas ang damit ni truck driver na ito sa nakita kong si Lilieth. ang problema lalaki ang driver
baka naman namalikmata lang ako dahil baka talagang iniisip ko sya?
pero bakit ko naman sya iisipin?
“Boss,Boss maniwala kayo sakin! pumarada ako para umidlip saglit! hindi ako nagmaneho ng tulog” Pagmamakaawa nya
“Paulit ulit yang sinasabi mo Mister. Pumarada ka nga sa Gen.Alejo Highway pero nakarating ka sa Highway ng Dr.Fernancio? Eh tatlong barangay ang pagitan non” Tanong ng isang pulis
“Tito Arturo...” Pagtawag ko kay Tito na napalingon naman mabilis syang kumalma ay inayos ang amerikana nyang suot
“Nagsampa na ko ng kaso sa kanya, Arvin. Mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Rosette. Umalis na tayo dito bago ko pa maisipan gawan ng masama ang mamamatay tao ang tarantadong driver na ito” Galit na sabi nya at naunang maglakadnagkibit balikat lang sila Eldon saka kami sumunod kay Tito para bumalik sa Crematory
ALDRICH’S POV
Nagpaalam ako na pupunta sa banyo ng marinig ang iyak ng isang babae sa isang cubicle.
Pero CR ng lalaki to.
“Miss? Miss, Alam kong umiiyak ka pero maling CR ang pinasukan mo.” Sabi ko habang kinakatok ang pinto pero tanging hikbi lang ang tugon ng babae sa loob napansin kong may mga dugo sa sahig kung nasaan ang babaeng umiiyak at mga petals ng white lily
“A-ah Miss... Tatawag lang ako ng assistance” Nagmadali akong tumungo sa pinto pero ayaw na nitong bumukas kasabay nito ang mababagal na katok mula sa cubicle kung nasaan ang babaeng umiiyak. Isa isa ring namamatay sindi ang mga ilaw.
“Kailangan nyang tumuoad sa pangako. Hindi na ako papayag na hadlangan nyo sya papunta sa akin.” Sabi ng babae habang unti unting lumalabas ng cubicle Sobra akong nanlamig at nangingilabot habang unti unti syang naglalakad
ang palapulsuhan nya.. puro laslas at ang kabila ay may mga ukit ng hiwa na tumuturan ng pangalan
ARVIN GAMBOA
tumawa ang babae ng nakapangingilabot.
“Bakit Aldrich? Hindi ba laruan ang tingin mo saakin?Ako ang naisipan nyong paglaruan? Ngayon... Ako naman ang maglalaro.” kasabay non ang pag angat nya ng tingin sakin na may dugong luha at ngiting nakakatakot.
Mula sa puntong ito, Alam kong dito na magtatapos ang buhay ko.
ELDON’S POV
“Antagal naman ni Aldrich? nalunod na siguro yon sa flush.” biro ko kay Arvin na hindi mapakali sa kinatatayuan
“Oy dude? bakit naman sobrang tahimik mo dyan? ano bang iniisip mo?” Tanong ko sa kanya kanina pa kasi ako nahihilo sa kakaikot nya.
“Dude, umamin ka nga sakin. hindi ako magagalit.”
“ano ba yon dude? Oy! inosente ako sa paggamit ng sapatos mo tas naiwan sa labas ng dorm kaya nangatngat ni Chichu.” depensa ko agad sa sarili ko. agad nya kong kinatukan
“G*go. ikaw pala yong hype ka. pero seryoso pinalitan nyo ba yung bulaklak na inorder ko para kay Rosette? pinalitan nyo ba yon ng White Llilies?”
“Raulo ka ba bro? bakit namin papalitan ng white lilies yung roses? alam mo naman na allergic ako dun saka diba yun yung paborito nung napagtripan natin.” nakaismid na sagot ko sa kanya
“kasi dude, pagdating namin dun sa may kwarto sa dorm lily na yung nakalagay chineck ko nyung cctv sa labas ng dorm ko pero wala naman nang ibang pumasok dun.” paliwanag nya
“AAAAHHHHHHHHHH!” Mabilis kaming napalingon sa sumisigaw na Janitress na kumakaripas ng takbo palapit sa pwesto namin dito sa corridor
“M-may patay! may patay!” natatarantang sigaw nya
“Ateng, talagang may patay dito. crematory kaya tong pinagtatrabahuhan mo.” sarkastikong sambit ko sa kanya
“Hindi! may lalaking patay sa banyo!” umiiyak na sabi nya. naglapitan narin ang mga guard at tumungo sa Cr
out of curiousness ay nagpunta ako sa gawi ng Cr kung nasaan ang mga guard.
namutla ako sa nakita ko. hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa tumambad sa paningin ko.
“Hoy Dud- Aldrich!” mabilis na nagtangkang pumasok si aldrich sa loob ng banyo pero pinigilan sya ng mga guard.
kalunos lunos ang sinapit nya.dilat ang mga mata at puno ng laslas ang mga braso binakbak din ang ilang bahagi ng pisngi nya gamit ang isang matalim na bagay.
may nakasulat din sa lapag gamit ang dugo. salitang nagpakilabot sa akin.
‘Nangako ka. Tuparin mo.’
nang dumating ang mga pulis upang i-examine ang crime scene at inilabas sa banyo ang bangkay ni Aldrich ay nag amoy bulaklak hindi lang basta bulaklak... Bulaklak ng patay, kaya nagtrigger ang allergy ko at nagsimulang bumahing ng bumahing.
Inakay ako agad ni Arvin papunta sa labas para makahinga ako ng maayos habang marahang tinatapik tapik ang likod ko. bakit ba kasi sa dami ng allergy na magkakaroon ako ay sa bulaklak pa?
Ilang linggo na ang lumipas mula ng mapatay si Aldrich at wala paring makuhang kahit na anong ebidensya o kahit clue man lang na magtuturo sa pumatay sa kanya.
Pauwi ako sa Condo ko ngayon dahil tinatamad akong pumasok nang magring ang cellphone ko.
“Hello. Eldon.” bungad ng isang mahinhing boses sa kabilang linya
“Hey, Sino to?”
“ambilis mo naman makalimot. tinabig mo pa lang ako last month sa corridor hindi mo na agad ako maalala?” malungkot na tinig na sambit nya
“Sorry miss, last month was too long to recall”
“ganun ba? kung ganooooon... ipapaalala ko sayo ang hindi mo pwedeng makalimutan” Sabi nya na may bahagyang halakhak pa. malamang ay nagpapapansin na naman ito sakin. Isang panibagong stalker.
“Alam mo miss kung magpapap-”
“Sa isang dormitoryo.. may babaeng nagpakamatay, marahan at malalim nyang iniukit sa kanang braso ang pangalan ng lalaking mahal nya gamit ang isang blade. At tinapos ang buhay nya sa isang mabilis na taga ng kutsilyo sa kanyang palapulsuhan. ngayon, naaalala mo na ba?” nag iba ang tinig nya mulka sa mahinhin ay naging garalgal at may paghihinagpis. nag simula syang humagulgol
“Tutuparin nya ang ipinangako nya, kahit pa hindi nyo iyon sineryoso” Galit na sambit nya.
Ipinagwalang bahala ko lamang iyon at tumungo na sa condo ko. hindi muna sumama saakin si Arvin dahil una, hindi naman sya nagsisindi ng damo tulad ko saka sabi nya ay aasikasuhin nya ang thesis nila para sa isang oral defense ng study sa research.
Kaya habang masaya at tila nasa ikapitong ulap ako sa saya ng nararamdaman ko ay may babaeng malambing na tumatawag sa pangalan ko mula sa balcony.
kaya madali kong tinungo yon at namataan ang isang babaeng nakatalikod mula sa kinatatayuan ko kaya sinunggaban ko sya ng isang yakap
“Masaya ka ba ngayon?” nakapang-aakit na tanong nya. tumango lang ako
“Masaya ba kayo habang pinaglalaruan nyo ang isang tulad ko?” mula sa tanong na iyon ay nag-iba ang tono ng pananalita nya. humarap sya sakin at sinakal ako.
nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino sya.
“MASAYA BA KAYO HABANG PINAGLALARUAN ANG DAMDAMIN KO!” Sigaw nya sa at hinigpitan ang pagsakal saakin.
“Mamamatay kayong lahat pagbabayaran nyo ang ginawa ninyo sakin!” sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko magawa dahil sa nawawalan na ako ng hininga sinubukan kong magmakaawa pero walang boses na lumalabas sa bibig ko dahil sa mahigpit na hawak nya sa leeg ko sinubukan kong humawak sa railings pero itinaas nya pa ang pag hawak saakin saka ako binitawan, naramdaman ko ang pagbulusok pababa at sumakto ako sa isang drum na tapunan ng mga basag na bote at kinakalawang na bakal kung saan tumusok
ARVIN’S POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at naglalaro sa laptop ko bilang isang reward dahil sa naipasa ko ang oral defense para sa aming research study. tinatawagan ko si Eldon magmula kahapon dahil hindi sya pumasok pero wala syang sagot kahit reply.
Naalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Biglang sumagi sa isip ko ang nakasulat sa tiles ng banyo kung saan pinatay si Aldrich.
‘Nangako ka. Tuparin mo’
Bakit ba kasi kami napasok sa ganitong gulo?
FLASHBACK
Isang linggo ko lang naman sya kaylangan tiisin.
“Tara na, Sweetheart.” gusto kong masuka. Psh. Kung di lang dahil sa pesteng ‘Dos’ card game ay hindi naman ako mauuwi sa gantong sitwasyon.
“sige. Tara na sa likod bahay”
“Likod bahay? Kala ko ba puntod ng magulang mo ang dadalawin natin?”
“Oo nga. Nasa likod at dulong bahagi ng mansion ang family cemetery namin” ngumiti sya ng matamis.
What the fuck?
Seryoso ba sya? Napailing nalang ako ng kumapit sya sa braso ko at sumakay sa isang electric chariot tungo sa family cemetery nila na puno ng white lilies
“Lahat ng miyembro ng pamilya at lahat ng magiging kasapi ay pinagagawan ng nitso dito. Kaya ituturo ko sayo ang saatin.” Nababaliw na sya. Ni kabaong na gagamitin ko kung mamatay ako sa hinaharap hindi ko iniisip. Huminto kami sa dalawang nitso na may katabing dalawang bukas pa nakatala doon ang ngalan ko at ni Lilieth
“Ito ang sa mga magulang ko at yung bukas yung satin. Ang sweet diba? Yung sa Ate ko nasa gawing dulo pa nasa Amerika sya kasama ng pamilya nya na may nitso narin.” Sambit pa nya, pindulas nya ang kamay nya sa braso ko at nagsindi ng kandila para sa mga magulang nya.
“Arvin, hindi ba sabi mo noon ako lang ang babaeng gusto mo? Ikaw lang din ang lalaking gusto ko.” gusto ko nang isiwalat sa kanya na laro-laro lang ito
“Sa Nobyembre 1, Mangako ka. Magkikita tayo at magkakasama dito sa Hardin ko. Kahit pa may mga kabaong at nitso” bahagya syang tumawa sa sariling biro
“Oo naman,Pangako magkakasama tayo dito sa hardin mo na puro Lily” tanging nasambit ko
END OF FLASHBACK
“October 31. 11:55:00pm” sabi ko sa sarili ko. Hindi, ayokong makasama ang babaeng yon lalo na kung sa hukay! Hindi pa ako nagagago para gawin yon.
Nawala ang mga iniisip ko ng biglang tumawag saakin ang isang unknown number nang sagutin ko ay hagulgol ng isang babae ang bumungad saakin matagal sya bago nagsalita
“Hello? Sino po sila?”
tanong ko ng biglang may kumatok sa kwarto ko nang buksan ko iyon ay wala namang tao o kung ano liban sa isang bulaklak...
Isang bouquet ng white lily
“Arvin... Anak! Si Tita Ine mo ito! Ano bang nangyayari sa inyong magkakaibigan?! UNA SI Rosette, makalipas ang apat na araw si Aldrich at ngayon..” tumigil sya sa pagsasalita at humagulgol muli
“Si Eldon! Nahulog ang anak ko sa balcony ng condo nya kahapon. sabi ng mga pulis ay nakapag-intake daw ng marijuana si Eldon... Kaya nagsuicide sya... Ang anak ko!” muli syang tumangis ng malakas Nag-away palang kami kahapon... Ni hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya.
“P-pupunta po ako Tita, Saglit lang po.” matapos non ay mabilis akong gumayak ay sumakay sa kotse ko.
“Sa tingin mo papayag ako na hindi ka tutupad sa pangako mo? Arvin?!” napatingin ako sa salamin sa tapat ng windshield ay nakita ko si Lilieth
“Imahinasyon ka lang! Tigilan mo ko!” sigaw ko pero ng lumingon ako sa passenger seat ay wala na sya..... Dahil bigla syang lumitaw sa harap ko.
“NANGAKO KA! TUTUPAD KA!” Sigaw nya sakin saka ako sinakal mabuti nalang at natapakan ko ang preno bago ako bumangga sa isang puno ng mangga
“Nangako ka!” sigaw nyang muli habang ako ay pilit na nagpupumiglas
“Hindi! Sinabi ko na sayong parusa lang sakin sa isang laro ang naging relasyon natin! Yun lang yon!” sigaw ko pabalik na lalo nyang ikinagalit
“Hindi ko ginustong magpakamatay ka! Hindi ko naman alam na susunod ka sa sinabi ko!”
“ BUHAY ANG NAWALA SAKIN DAHIL SA MGA KAMANGMANGAN NYO! KAYA BUHAY ANG KAPALIT!” hinawakan nya ang braso ko at ibinaon ang matatalim nyang kuko dahilan para mapasigaw ako.
“Kaylangan mawala ng dila mong ubod ng kasinungalingan” dinukot nya ang loob ng bibig ko para hilahin at hiwa hiwain ng matulis nyang kuko ang dila ko.. hindi ako makalaban sa kanya..
Hindi ko naman inutos na magpakamatay sya kaya wala akong kasalanan
FLASHBACK
“Hey Mahal.” isinabit nya ang mga braso nya sa balikat ko bago ako halikan sa labi at nagpaalam na may kukunin lang sa loob
“Mga dude. Si Lilieth may suicide letter. Sinabi nyang kaylangan kong tumupad sa pinangako ko sa kanya.” kwento ko sa dalawa
“Nako dude. Pakulo lang yan, sabi sayo psychotic ang babaeng yon eh. Haha” sambit ni Aldrich. Hihirit sana si Eldon pero bigla syang bumahing ng sunod sunod.
“Dude! May Lily ba dito? Alam nyo namang allergic ako dun eh.” sabi nya saka nagspray ng pabango sa paligid pero bago kami sakupin ng amoy ng pabango ay naamoy ko rin na parang may bulaklak ng patay sa paligid.
“Alam nyo kesa pinag-uusapan nyo pa yan kalimutan nyo na yon. Patay na yung loser na yon. Buhay tayo kaya dapat magsaya tayo!” Sabi ni Rosette ay nag-taas ng wine glass
END OF FLASHBACK
Nararamdaman ko na ang lamig sa katawan ko habang patuloy ang pagtarak ng mga kuko nya sa katawan ko.
“Kaylangan mawala rin ang mga mata mong walang ibang gustong makita kundi si Rosette!” ibinaon nya ang mga kuko nya sa mata ko napasigaw ako pero wala na akong marinig. Dahil ba ito sa pagputol nya sa dila ko? O dahil wala na rin ang tenga ko?
Hindi ko na alam.
“At ang huli...yang puso mong mapaglaro... AKIN KA LANG! AKIN LANG!” Sigaw nya bago ko naramdaman ang tuluyang panghihina.
Suko na ko.
Wala na kong choice.
Sa huli’y mapupunta rin pala ako sa nitsong inihanda nya. Sa hardin ni Lilieth ang bagsak ko. Sa hardin na dalawang uri ang pananim ang mga bulaklak ng puting lily at ang mga butong kailanman ay hindi tutubo.








