Sea The Love [BXB]
Share with your friends
Customize readability

Sea The Love [BXB]

Biisool

All Rights Reserved ©

Summary

Sa isang maliit na kubo; sa harap ng isang dalampasigan, namayani ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang taong magkapareho ang kasarian. Samuel Magno has the ability to conceive a child. Kaya naman nang ipinaalam sa kanya ng kanyang kasintahan na handa na itong bumukod ng pamilya kasama siya, walang pagdadalawang-isip niyang ibinigay ang sarili dito. He gave birth to their child and their days have never been happier since then. But when Michael Samson—his lover— discovered the truth behind his identity. Iniwan sila nito at pinangakuang babalikan. But the family they built began to crumble when his lover's family decided that he wasn't good enough for their son.

Status
6yrs ago
Chapters
1
Rating
5.0 (1 review)
Age Rating
16+

Prologue

Mahinang napahikbi si Samuel habang karga-karga ang isang taong gulang na anak sa kanyang bisig. Sobrang lakas ng pagpatak ng ulan sa kanilang bubong at pakiramdam niya ay kaya nitong gumawa ng panibagong butas ano mang oras. Nagpapasalamat na lamang siya at hindi umiyak ang kanyang anak dahil siguradong mas lalo siyang matataranta.

Wala na ang kanyang kasintahan at ang ama ng kanyang anak na dati niyang inaasahan sa lahat ng bagay kung kaya't kinakailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Kumuha siya ng isang kaldero, balde at malaking mangkok bago iyon itinapat sa mga tumutulong bubong. Itinali rin niya ang ang kanilang bubong sa malaking batong nakalagay sa loob ng kanilang bahay. Ipinapanalangan na lang niya na sana ay hindi tumaas ang lebel ng dagat dahil siguradong magiging kritikal ang kanilang kalagayan.

Muli siyang naglakad pabalik sa kanilang papag at inilapag ang kanyang anak. Dapat ay natutulog na ito sa ganitong oras ng gabi. Pero dahil sa malakas na pagkulog at kidlat napukaw ito sa kanyang mahimbing na pagtulog. Kahig siya man bata pa lang siya ay kinakatakutan na niya ito. Tanging si Michael na kanyang kasintahan lang ang kayang magpakalma sa kanila ng kanyang anak.

Si Michael Samson na iniwan at pinangakuan silang babalikan. Binalikan nga sila nito pero hindi naman upang buuin ulit ang kanilang pamilya. Binalikan sila nito at dinala sa syudad para lang ipamukha sa kanila ang bago nitong buhay. Ni hindi man lang nito nagawang ipaglaban sila sa mapanghusga nitong magulang.

"Anak, tayo na lang dalawa. Kahit mahirap, kakayanin ni mama." Nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha habang yakap-yakap ang maliit na katawan ng anak.

"Ma-ma," ang pag-uulit ng kanyang habang kinakapa ang kanyang dibdib. Napatawa na lamang siya dito. Hindi siya nararapat malungkot. Nandito ang kanyang anak at ito ang paghuhugutan ng lakas at pag-asa.

Sa gabi ring 'yon ipinangako niya sa sariling kakalimutan na ang lalaking minsan niyang minahal; ang lalaking sumira sa kanilang pamilya; ang lalaking bumigo sa pangako nitong iibigin siya habang-buhay.

Lumipas ang araw na puno ng sakit at lungkot; ngunit kinakailangan niyang magpatuloy sa buhay para sa kanyang anak. Hindi kawalan ang isang lalaking walang paninindigan sa buhay. Ipapakita niya sa lahat na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa. Ipapakita niya sa buong mundo na hindi siya madaling tibagin.

Ibinubuhos niya ang lahat ng atensyon sa pag-aalaga dito at pagde-desinyo sa mga maliit na kahon gamit ang mga shells para gawing jewelry box. Sa ngayon ay ito lamang ang kanyang pinagkakakitaan, meron namang sustento na ipinangako sa kanya si Michael at ang pamilya nito ngunit ayaw niyang umasa dito. Ayaw niyang umasa dito matapos nitong akusahan siya ng mga bagay-bagay.

Kasalukuyan siya ngayong naka-upo sa harap ng kaniyang bahay habang pinapakain ng hapunan ang kanyang anak. Nagtaka siya ng lapitan siga ng isang matangkad na lalaki. Base sa postura at pananamit nito, hindi maipagkakailang isa itong dayo. Kung susuriin mo naman ng mabuti, mahahalata mo ang akin nitong kagwapohan at kakakisigan.

"Uhm, hi. May iba ka bang alam na pwedeng tuluyan bukod sa mga hotel doon? Wala na kasing tumatanggap sa akin," ang sabi ng lalaki. Napakamot pa ito sa kanyang batok na tila ba nahihiya.

Saglit naman siyang napa-isip. Peak season ng kanilang lugar kung kaya't maraming dayo ang nandito. Hindi sa pagmamayabang ngunit kilala talaga ang kanilang lugar sa kanilang malinis at malinaw na tubig dagat. Maganda rin ang puti at pino nitong buhangin na siyang paburito ng kanyang anak.

"Sinubukan mo na ba sa mga dorm at rentahan ng mga bahay? Peak season kasi ngayon, talagang punuan ang mga hotels. Yong iba nga ay nagdadala na lamang ng sariling tent." Ang paliwanag niya dito sa mahinahong tinig.

"Yeah, pero wala na daw available na rooms. Ninakaw rin iyong tent ko habang naghahanap ako ng hotel." Sumalampak ito ng upo sa kanyang tabi at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Halatang pagod na ito sa ginawang paglalakad buong araw.

Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang naawa sa lalaki. Mukhang desperado talaga kasi itong manatili dito. May nakita rin siyang sariwang galos sa braso at paa nito. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang paglandas ng lungkot sa mga mata nito habang pinapakinggan siya. Mukhang hindi naman masamang tao ang lalaki sa kanyang palagay. Komportable pa nga ang pakiramdam niya rito.

"Kung gusto mo dito ka nalang muna magpalipas ng gabi. Maliit lang itong bahay namin pero may bubong at maayos na higaan naman. Ako at ang anak ko lang ang nakatira dito. Sa pagkain naman, pwede ka namang bumili sa labas." Ang wala sa sarili niyang suhestyon dito.

Agad na napaayos ng upo ang lalaki at napaharap sa kanya. Nanlaki ang mapupungay nitong mga mata habang gulat na napatitig sa kanya. Inilihis niya ang kanyang paningin dito dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkailang.

"Anghel ka ba?" Ang tanong nito sa kanya.

Binigyan niya ito ng tipid na ngiti at umiling sabay sabi ng, "Hindi. Bakit?"

"Hulog ka kasi ng langit." Ang nakangisi nitong saad bago inilahad sa kanyang harapan ang kamay nito. "I'm Cole Ellison Ortega, by the way."

Tinanggap niya ang kamay nito at mahinang itinaas baba. "Samuel Magno."

Continue reading in the app

Scan the code to open this book in the Inkitt app and keep reading on your phone.

Let Biisool know what you thought about this chapter!

Danison

O may gad Author! Pati pala here
6 years