Chapter 1
1
“Senyorita, baka ho mapano kayo diyan! Kailangan niyo na hong bumalik sa mansyon!” rinig kong sigaw ni Manang Ibiang mula sa ilalim ng puno. I laughed hard when I noticed the muds all over my feet. Kinaway-kaway ko ang aking kamay na may putik kay Manang Ibiang.
“I am fine, Manang! I am having fun here!” sigaw ko pabalik. Ang mga tauhan naming nagtatanim ay napapalingon na lang at natatawa. Manang Ibiang shook her head. Siguro’y namomroblema na baka mapagalitan ng aking ina.
“Senyorita, kami na po ang bahala dito. Mainit na po at baka masunog ang pinakaiingatan niyong kutis. Sayang naman po.” ani ng katabi kong si Mang Julio.
" Ayos lang ba sa inyo, Mang Julio? Malawak pa po ang tataniman ninyo.” nag-aalala kong sabi.
" Maayos kami rito,Senyorita. ’Wag kayong mag-alala at matatapos rin naman ito namin. Kailangan niyo na hong bumalik at baka mapagalitan kayo ng inyong ina.”
I sighed. I always have to deal with my mother with this kind of work. Wala akong masyadong nagagawa sa aming mansyon. Hindi naman ako bantay sarado sapagka’t malaki na ako. I am twenty-five, for pete’s sake!Nag-iisang tagapagmana ng aming malawak na lupain. I was born with everything that I wanted.
" Senyorita, mabuti naman at nakinig ka sa akin! Umuwi na tayo at kailangan niyong maglinis ng katawan. Lagot ako kay Senyora nito kapag nakita kang ganyan!” stress na stress si Manang sa akin habang naglalakad kami pabalik sa mansyon. The hacienderos greeted me when I passed by. Bumati naman ako pabalik.
Dumiretso kami ni Manang Ibiang sa likod ng mansyon. May mahabang hose doon. Kinuha iyon ni Manang at iniharap sa akin. Water splashed my feet. Dumausdos ang putik sa semento. Kinuha ko na lang kay Manang ang hose at ako na ang naglinis ng katawan ko.
When I was done, Manang Ibiang handed me a clean towel. Ibinalot ko iyon sa aking katawan bago tinungo ang back door ng mansyon.
" Nasaan ang Mama, Manang Ibiang?” I asked Manang when we entered the mansion. Naabutan ko ang mga kasambahay na naglilinis. Tinawag agad ni Manang ang isang kasambahay upang punasan ang mga tulong nanggagaling sa akin.
" Nasa minahan siya ngayon hija. Kailangan niyang makipagkita sa bagong mamamahala nito. Ang balita ko ay sabay silang babalik dito sa mansyon.”
" Ganun po ba?”
" At sya nga pala hija, kaya pala kita sinundo ay sinabi ni Senyora na kailangan niyong mag-ayos para sa bisita.”
" Kailangan pa ba iyon, Manang?” Tinungo ko ang hagdan. Nakasunod pa rin sa akin si Manang Ibiang.
" Gusto mo bang tulungan kita sa pag-aayos, hija?” agarang tanong nito nang marating namin ang aking kwarto.
" ’Wag na manang. Kaya ko na ito. Magpahinga na lamang kayo sa kwarto ninyo. Nakakasama ho ang masyadong nagpapagod.”
" Sige Hija. Pagkababa ko’y sasabihan ko ang mga kasambahay na dalhan ka ng makakain sa iyong silid.”
" Okay Manang. Tell them to make me an iced tea. Kapag dumating si Mama ay tawagan nila ako kaagad.”
" Oh sige hija. ” Tinalikuran ako ni Manang at tinahak ang daan pabalik. I rubbed my forehead. Binuksan ko na lang ang pinto ng aking kwarto. Dumiretso ako sa bathroom para maligo.
Sino naman kayang bisita ni Mama? At bakit kailangang ito pa ang mamahala ng minahan? I can do it too!
Natapos ko ang paliligo. The sweet scent of my body washed was all over my body and my whole bathroom. Napangiti ako bago lumabas ng bathroom. I walked inside my closet and pick up a knee length floral dress. Hinanap ko ang aking puting flat shoes. Lumabas ako ng aking closet at agad na tinungo ang bathroom. I sat on the chair and face the mirror. I blow dried my hair. Lumabas ang natural na kulot sa dulong bahagi ng aking buhok. My hair was natural brown. Namana ko iyon sa aking abuela at ama. My grandparents are full blooded Spanish and my father too. My Mom was born as a pure Filipina and so as her parents. So that makes me a half Filipino and Spanish.
My Father passed away when I was nineteen. Inatake ito ng malalang sakit at hindi agad naagapan. His death was the most heartbreaking scene in my life. Namatay ito sa tabi namin ng aking ina. We were on the same bed, barely breathing but he lost his battle. Isang taong nangulila ang aking ina kaya kailangan kong pagtuonan ng pansin ang aming hacienda at pinagsabay ito sa pag-aaral ko.
I sighed. My mother busied herself after a year inside this sorrowful house. Natutuonan niya naman ako ng pansin but I needed to leave her to finish my studies. Nakapag-aral ako sa ibang bansa. Natupad ko ang pangako ko sa aking ama and now here I am taking care of the whole hacienda.
May kumatok sa pinto kaya pinatay ko na ang blower at lumabas ng bathroom. Pumasok ang kasambahay namin na may dalang tray. Nandoon ang hinihingi kong iced tea at isang platito ng white pasta.
" Salamat. Nakarating na ba ang Mama?” I asked. Umupo ako sa couch at ininom ang iced tea.
" Ang sabi ng Mang Kaloy ay pauwi na po sila,Senyorita. ” aniya.
Tumango ako. ” Sige. Bababa na ako mamaya. ”
" Sige po,Senyorita.” pagpapaalam nito. Nang makalabas ito ng pinto ay sumandal lamang ako sa aking inuupuan.








