That Night at The Balcony | BXB
Compartir con tus amigos
Personalizar legibilidad

That Night at The Balcony | BXB

Clifpages

Todos los derechos reservados ©

Sinopsis

When every day seems nothing different but there is this happening in our lives that can change everything forever. We crave change, but when it is given to us, are we ready? Ben didn't mean to swipe him on bumble. Meanwhile, this guy didn't reply to him after what happened that night on the balcony. But maybe it was destiny's game that leads them toward each other. One typical Monday, a new student transferred to their school without him knowing that it was the guy who didn't reply back. Would it be different to flirt online than in person? Would they still continue to communicate with one another? Will destiny's game faith them to meet each other? Or will it be a fail? So many questions and still looking for an answer. Witness the secret story of change and love. Discover how a person can be consistent and how is love in many different situations.

Genero:
Romance,Other
Autor/a:
Clifpages
Estado:
hace 4 años
Capítulos:
3
Rating
n/a
Clasificación por edades:
16+

Chapter 1

This Chapter is Dedicated to Ada my best friend for always being true to me and for always supporting me all throughout.


When everything is smooth and delicate there is this one thing that will change the flow and ruin everything. Everything is pretty normal until a pandemic hits 2020. Everything is traumatic. Remember that day inside your room? Where everything is suffocating? that’s harsh. But Look at me now, I am a graduate nurse who is taking care of around 7 patients here in the UK. It’s been 7 years since that nightmare happened. I don’t want to wake up again feeling anxious. It’s pretty normal today. Same protocols are being implemented everywhere. There are still thermometers whenever you are entering establishments. Wearing a face mask is normal nowadays but it’s not really required. Some are still in the process of forgetting and moving on. But for us? We are still the same.

December 24, 2019, Christmas Eve

“Namamasko po!” tawag ng mga bata sa labas ng bahay habang kami ay naghahanda. Pagkalapag ko ng plato at kinuha ko na agad ang phone ko para ichat ang mga friends ko. Nasa bahay kasi ako to spend this Christmas with my beloved family same as my friends. Magkakalayo kasi kami ng bahay and we usually spend time together in school and on weekends. Miss na miss ko na agad sila.

ME: <Hey, Monica! Start the call>

MONICA: <Oki Oki, HEHEHE>

-Ringing-

Our call did not last that long because my uncle called me to come downstairs. My cousins are also here and even my grandparent. It was a really wonderful night. It was like a reunion. There is a lot of foods and deserts. And of course my favorite, Maja, that my auntie Maricel prepared tonight.

We started to pile in the dining area. At dahil madami kami at maliit lang naman ang bahay, yung iba ay nasa sala at kami namang magpipinsan ay nasa hagdanan na. “Tabi tayo tulog ah!” sabi ng pinsan kong si Trisha. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsangayon. Pinangunahan na ni Tito Arnold ang panalangin at ang lahat naman ay nagsiyukuan. Matapos ang katahimikan at nabalot na ng sigaw at hiyawan ang buong bahay matapos ang panalangin. Hudyat na para kumain ang lahat. Kanya-kanyang kuha ng plato at kuha ng pagkain. Ang mga bata ay kalong na ng kanilang mga nanay at nagpulong pulong sa sala. At kami namang mga magpipinsan ay umakyat na sa rooftop para hindi magkaroon ng ano mang sagabal sa kung ano mang paguusapan namin. Lahat kami ay dali daling umaykat, dala dala ang aming mga platong puno ng pagkain. Dala ko ang mga kutsara at inumin. Dala naman ni Trisha ang kanin. Si Randel at Sheryl naman sa ulam. Inilagay namin sa gitna ang bilog na lamesa at kanya kanyang pwesto na. Bata pa lamang kami ay nakagawian na naming tumambay sa rooftop. Malamig ang simoy ng hangin dito at napakaganda ng tanawin lalo’t gabi na. Binuksan ko ang mga pailaw at umupo na din katabi nila.

“AHHHH sa wakas. Nakahinga narin!” ani ni Sheryl. Siya ang anak ni Tito Arnold ang pinakabata sa aming lahat. “Napakahirap gumalaw sa baba. Ang daming mata.”

“HAHAHA! Oo nga, buti pa si Ben perfect na perfect” sabi ni Trisha. By the way, nakalimutan ko ata sabihin. Ako nga pala si Ben short for Benedict.

“Luh grabe ka naman, anyways kamusta naman kayo? Tagal na din ninyong hindi nakapunta dito ah” ani ko sabay tingin sa paligid. Nakakamiss at bumabalik din ang mga masasayang ala ala.

“Aww oo nga okay naman ako. Baka next year eh sa states na din ako mag-aaral gaya ni Kuya” sabi ni Randel sabay bigay ng malungkot na tingin sa amin.

“Anooo? Bakit?” Pasigaw na sabi ni Trisha sabay palo sa palikat ni Randel na katabi lang nya. “Malagasan nanaman tayo ng isa. Paano kami? Naku! Tapos hindi ka na magpaparamdam”

“Naku Trish hindi naman yan gagaya sa Ex mo” sambit naman ni Sheryl. Sabay ng tawanan namin.

“HOY! Wag mo ngang...binabangit yung pangalan ng mokong na yun...Kinalimutan ko na sya”

“Hayss kung ano man ang mangyari. Hayaan nalang natin sya. Yun ang gusto ng parents nya wala naman tayong magagawa. At saka next year pa naman yun, ano ba kayo?” sabi ko.

“Wow nandito pa pala ’to?” Sabi ni Trisha sabay tayo at may kinuha sa isang sulok. Pagkakuha nya ay iniharap nya sa amin ang chessboard. Pagkakita namin ay umukit ang mga ngiti sa aming muka. Magkahalong saya at gulat dahil sa matagal na panahon ay buhay parin ang chessboard na iyo. Hindi lamang basta chessboard iyon. May laman itong mga papel ng isang laro na kami lamang ang gumawa.

“Wow! grabe naitago nyo ito ng ganto katagal?” Sabi ni Randel. Samantalang si Sheryl naman ay nagtataka dahil hindi nya pa naabutan ang larong ito. Dinala ni Trisha ang chessboard at inilapag sa lamesa. Pagbukas namin ay bumungad sa amin ang mga sandamak-mak na sulat at mga drawing. Masayang masaya ang lahat ngunit sa tingin ko ay wala nang nakakatanda kung paano ito laruin. “May nakakaalala pa ba sa inyo kung paano to laruin?” tanong ko.

“Aba malay ko apaka tagal na neto. Basta tanda ko pa ito” sambit ni Trisha sabay pakita sa drawing na ginuhit ko. Sabay sabay kaming nagtawanan dahil iyon and drawing ko sa isa naming kaaway noong bata pa kami.

Isinara ni Trisha ang chess board at ramdam na ang pagkabagot ng lahat. “Wala ba tayong gagawin?” ani nya. “Eh kung maglaro kaya tayo?”

“Yeah I agree” sabi ni Randel. “Ah! I know na. Open nyo bumble nyo”

“Bumble?” Pagtatako ko habang lahat naman sila napatingin sa akin.

“Ilang taon ka na ba? Mas matanda ka nga sakin pero di mo alam yun?” sabi ni Sheryl at hindi ko parin maintindihan kung ano ang tinutukoy nila.

“It’s a dating app. Kinda like Tinder.” ani ni Trisha habang binubuksan ang phone “But I prefer this one kasi ito yung ginagamit ng mga friend ko”

“Okay! Habang hinihintay nating madownload yung bumble mo. I’ll explain the mechanics. We will play Rock, Paper, or Scissors and whoever loses will roll a die and swipe right on bumble by whatever number your die will show.” paliwanag si Randel habang sineset up ko na ang account ko. Masayang masaya sila at ramdam ko ang excitement nila. “Okay ready?” patanong na sabi ni Trisha sakin. Tumango ako sa kanya at sinimulan na namin ang laro.

Nagsimula na nga ang laro at nilapag na namin ang mga phones namin sa lamesa. The first one who loses ay si Trisha. “HOY! ako agad? Ayusin mo lang bumble bigyan mo ako ng matino.” she rolled the die and it give her 6. “HOY ANDAMI.” pagmamaktol niya. “Sus parang hindi sanay” pangaasar naman ni Randel. Tinarayan lamang siya nito at dahan dahang nag-swipe. “OWEMJI! Owwshiiii Ang pogi maree!” Kilig na sigaw niya dahil mukang nakajackpot siya sa lahat ng kuha niya.

Nag jack ’en poy na kami at sa hindi inaasahan, ako ang natalo. Naghiyawan ang lahat sa tuwa samantalang ako naman itong nakabugnot ang muka. I’m so upset. In the first place, I don’t even like dating apps. Second, I don’t even know how bumble works. Ang third, I don’t know whoever I’m going to swipe right. Kinakabahan akong kinuha ang die at pinagulong sa lamesa. Bawat paggulong nito ay kasabay nag pagtagaktak ng pawis ko. At ang resulta, 4. “Ay sinuwerte, sayang hindi 6” kinuha ko na ang phone ko at dahan dahang nagswipe. Una sa aking screen ay si Josh, he’s cute at malinis tignan. He has a sharp jawline at keen eyes. I swipe him right without hesitation at laking gulat ko nang mag-match kami. “OWEMJII IT’s a MATCHH!” pagkagulat ni Sheryl at sabay ng pagkakilig nila sa aking likuran. Tuloy ang pangswipe at sa pangalawa naman ay isang masculine guy. What I mean is...He’s very fit. Halatang nag-gygym ito at mukang mayaman. I swipe him right and I didn’t even saw his name. My bad. Next one is Hans, he looks so tall and has a fit body. Di masyadong overwhelming kagaya ng kanina. I swiped right and for the last one. It’s Andrew. He’s really cute and has a sharp eye. He’s definitely my type. I swipe him right at natapos na ang turn ko. Nagsibalikan na sila sa kinauupuan nila at naghudyat ng panibagong turn ngunit sa hindi inaasahan umakyat si Tita.

“Oh Guys! Gabi na ah? Anong oras na nandito pa kayo?” tumingin ako sa phone ko at di ko namalayan na 1:54AM na pala. “Ma, napasarap lang ang bonding namin. Ngayon na nga lang kami nagkita.” paliwanag si Sheryl. “I know pero ang babata nyo pa bumaba na kayo” Dali dali namang sumunod si Sheryl. “Babye guys. Saved by the call? HAHAHAH Char” masayang sabi ni Sheryl. “Hoy Ikaw! Haysss Ang daya talaga nun kahit paminsan.” pagalit na sabi ni Trisha at tumingin sa amin. “Oh ano? Magtititigan nalang ba tayo dito? Tayo na nang makatulog na” Tumayo na kaming lahat at sabay sabay na nagsibabaan.

Pagkapasok ko palang ng kwarto ay dahan dahan na akong hinihila ng higaan ko. Hays ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Papikit na ako nang maalala ko na kailangan ko pala muna maghilamos. Dumaretso ako sa CR at nakasalubong ko doon si Randel. Nagkatinginan kami ng panandalian at iniwas din namin agad. Sinimulan ko na ang paghihilamos nang biglang nasalita siyang nagsalita.

“Alam na ba nila?” tanong niya sakin. “Ang alin?” pagbabali ko ng usapan. Ayaw ko nang pagusapan pa ang bagay na yun at tanging si Randel lang ang nakakaalam ng lahat. Sa kanya ko lang iyon sinabi at alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Kaya naman ngayon mawawala na siya, di ko alam kung hanggang kailan ko ito maitatago sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Si Randel lang ang pumipigil at gumagabay sakin. Tumingin lang ako sa kanya at binigyan ko siya ng ngiti. Naglakad na sya paalis at tinapik ang aking balikat. Sinimulan ko na ang paghihilamos at nagbadya na ng pagtulog.

12:45 AM

Nakahiga na ako sa higaan at di parin ako makatulog. May bumabagabag sa isip ko peroo di ko maintindihan. Binuksan ko ang aking phone nagscroll sa aking socmed. Napadaan ako sa bumble at nakita ko na ang mga messages nila. Bubuksan ko ba ito? I’m just curious kaya binuksan ko at ang unang una kong nakita ay si Andrew.

Andrew: HI!

Me: Hello :>

I replied because why not. I checked his profile again and he’s the one who I really like. Chinito pero ’di gaano. Di din sya masyadong maputi. Tama lang. Hindi pa siya nagrereply assuming na tulog na siya. I have nothing to do and I just can’t sleep. Maybe it’s really late na din. I just closed my eyes and start counting sheeps.

I woke up in the middle of the night...While fireworks are up in the sky. Everything is dark. Broken pieces of glasses all around. I can’t see clearly. The balcony door is open and the wind is growling. The loud fireworks filled the air. Then everything stops...


Did you enjoy reading? Please leave a rating, a comment, and a vote for what I want to improve. This story is under Public Interest Test. Please support this story until the end.

This is early access to this chapter. I will be uploading chapters 1 - 5 soon. So please support this book and leave a vote.

Sigue leyendo en la app

Escanea el código para abrir este libro en la app de Inkitt y seguir leyendo en tu móvil.

¡Cuéntale a Clifpages lo que piensas sobre este capítulo!

Colecciones populares