Meet me at Stairs

All Rights Reserved ©

Summary

Vivienne Avril Fern E. Sanderson. Ang babaeng inlove sakanyang matalik na kaibigan, Si Kylo Suarez. Matagal na niya 'tong hinahangaan simula bata pa lamang sila. Ngunit papaano kung may makilala ito na lalaki sa club na sasalihan niya sa kanilang paaralan? At mabaling ang atensyon nito sakanya? Will she take the risk and fight for Kylo Suarez or going to play a game with the hottest guitarist,Sage Finnix Lacorte?

Genre
Romance/Humor
Author
saij
Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1

CHAPTER 1


“Vivienne! Late kana!”

sigaw ng aking mommy.

“Ha? ano ba yon? maaga pa naman ih. ”

sabi ko sabay tingin sa cellphone ko.

patay late na ako! monday pala ngayon at first day namin ngayon! magpapadaan na lang ako kay Elaine.

Bumangon na ako at pandalas na maligo.

"

Ma, Alis na po ako!”

sabay halik sa pisngi niya at tatakbo habang nagsusuot ng sapatos

“Vivienne di kapa nakain!”

Sigaw ni mommy.

“Sa school na po!”

sabay kaway sa mommy ko.

“elaine, saan kana?”

chat ko dito

aaa tagal naman ni Elaine.

Makapaglakad na nga lang, umalis ng maaga si daddy kanina dahil may trabaho ito sa ibang lugar.

Andito na ako sa school kaso..

Si Sir Montero nasa labas ng gate at pinaparusahan ang mga late huhu.

"

Alvares at Lacorte!!”

Sabi ni sir Montero

“uy good morning sir pogi!”

sabi noong isa na nakashades pa.

"

anong good morning! balik dito. anong akala niyo makakatakas kayo saakin? Unang araw ng pasok late agad kayo!”

Pagsesermon nito sa dalawang binata.

Tinitignan ko lang ang aking cellphone at chinachat si Elaine..

Nang may humigit sa braso ko

“Bilisan mo pre!”

sigaw noong blonde yung buhok.

"

Tara Takbo!”

Sabi saakin noong isang lalaki at hawak nito ang braso ko.

Huh? Ayon tumakbo na lang ako

Andito kami sa likod ng school. May daan pala dito.

“Hays muntik na tayo doon!”

Habol hininga din si blonde guy.

“Nikka ayos-”

di maituloy na tanong ng naka shades.

" Pre iba ung nahablot mo, di mo yan kapatid eh!”

Sabi noong blonde guy.

Inaayos ko na lang ang bag ko na nakasaklib saakin. Isang strap lang kasi ang naka lagay sa balikat ko. Ewan ko ba siguro nasanay ako ng ganto.

Kamot ulo naman itong nakashades. May pasa ba sya? makulimlim tas naka shade siya? Pinagmamasdan ko ito.

“Ah eh oo nga no. Medyo hawig mo kasi kapatid ko sa malayo miss.”

Paghihingi ng tawad nito.

“Huh? Parang- ”

sabi noong isa but he stopped him.

"

I’m Sage Finnix Lacorte! Btw okay ka lang ba? ”

pag papakilala nito at tinanggal ang salamin.

aba pogi pala. Napapatitig ako dito parang kilala ko eh.

" miss? alam kong pogi ako pero wag mo naman ako tignan ng ganyan.”

pagmamayabang nito.

What the heck? pogi nga kaso mayabang.

Napairap naman ako sa kayabangan nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang sa canteen, Gutom na ako ih.