Prologo
Prologo
Mula pagkabata, alam na ni Eros na hindi para sa kanya ang salitang “pag-ibig.”
Nakikita niya ang ina niya, papalit-palit ng lalaki at para bang nagpapalit lang ng panty. Sa halip na masaktan, natuto siyang gayahin ito. Sa angking alindog ba naman niya, sino ang hindi mahuhumaling?
Naging laro para sa kanya ang pakikipagtalik at naging paborito niyang laro ang tukso. Grindr, random flings, quickie sa banyo, sa kotse, sa eskinita. Siya ang reyna ng kahalayan at wala siyang sinasanto.
Ngunit isang gabi, habang pinagmamasdan niya kung paano muling ipinagpalit ng ina ang bago nitong asawa, may kakaibang kirot sa dibdib niyang matagal nang manhid.
“Lagi na lang may reklamo si Mommy pagdating sa kama. Kaya siguro pinagpalit.” mahina niyang bulong na may halong pang-uuyam. “Siguro kailangan niya ng magtuturo.”
At doon nagsimula ang plano ni Eros. Isang mapanganib na laro ng kapangyarihan at kapangahasan. Hindi na siya nakuntento sa pagmamasid ng mga nangyayari. Gusto niyang iparamdam sa lalaki kung ano ang tunay na kahulugan ng sarap.
Ilang swipe lang sa screen ng kanyang cellphone, ilang malibog na palitan ng mensahe, at ilang oras lang ang lumipas. Nandoon siya sa kama ng lalaking minsan niyang itinuring na “ama.”
At sa bawat halik, bawat ungol, at bawat pag-angkin ng kanyang Stepdad na si Alexander, unti-unting bumabagsak ang pader na itinayo niya laban sa pag-ibig.
Sa unang pagkakataon, hindi lang katawan niya ang naglaro. Pati ang puso niyang marunong palang umibig.
----
A/N
Kapag tapos na ang Pag-aari ng Iba at Kapalit ng Lahat, pagsasabayin ko ito saka ’yung Dalawa Para sa Isa. Same timeline rin ito, saka same place.