-
Naghihingalo si Karisha. Hindi niya akalain na sa isang iglap ay babawiin ang buhay niya.
Simple lamang ang araw na 'yon para sa kanya.
Papasok siya sa eskwela bilang isang butihing kolehiya na siyang malapit na magtapos at maraming pangarap para sa kanyang mga magulang. Pero hindi niya akalain na sa isang kisap mata ay biglang may patalim na babaon sa kanyang puso at iniwan siyang nakahandusay at duguan ng kung sino mang halang na kaluluwa na sumaksak sa kanya.
Isa lamang ang nasa isipan niya nang mga oras na 'yon. Ang taos pusong paghingi ng tulong at pagmamakaawa na siya'y buhayin. Nakita niya ang manunudo sa kanya kaya mas lalo siyang taimtim na humingi ng tulong sa kahit sino pang alagad ng langit o impyerno.
And then, Cifer is coming.
He's the prince of hell.
And this devil kill the grim reaper just to save her soul.
--








