Chapter 1
HINDI ko makalimutan ang itsura ng mga tao na napagtanungan ko habang binabaybay ko ang isang hindi gawang daan papunta sa direksyon na itinuro sa akin ng mga residente. Magiisang oras na kong naglalakad pero hindi ko pa rin mamataan ang mansion ng mga Quijano.
Kakaiba pa ngang tingin ang natanggap ko mula sa mga napagtanungan kong mga tao pero hindi ko na `yon pinansin pa.
Nandito ako para mamasukan ng trabaho wala akong panahon para alamin ang problema ng mga `to.
Mga ilang minuto pa ang nilakad ko nang sa wakas ay namataan ko ang isang lumang bahay na bato o maari ding sabihin na isang mansyon dahil sa laki.
Ibinaba ko ang hawak na bagahe saka huminga ng malalim, inilibot ko ang tingin sa paligid at maliban mayayabong na puno ng acacia wala na kong iba pang nakikitang bahay na malapit sa lugar.
Hindi ko alam pero biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok at napatingin sa may balkonahe kung saan may isang babaeng nakaputing bestida na nakatakip nang makapal na belo ang mukha habang may hawak na itim na rosas.
Tatawagin ko sana ang babae nang bumukas ang pinto at lumabas ang isang matanda na may matapang na mukha at maayos na nakapusod ang kulay puti nitong buhok dahil sa uban.
Binalik ko ang tingin ko sa balkonahe pero wala na doon ang nakatayong babae.
“Ikaw ba si Amara?”
Dali dali kong binuhat ang bagahe ko at umakyat sa ilang baitang papunta sa pinto. “Ako nga ho.”
“Pumasok ka na kanina pa kita hinihintay.”
“Pasensya na ho naligaw po kasi ako.”
Tumango lang ito at kinuha ko na ang pagkakataon na `yon para magtanong.
“Sino nga po pala `yung babaeng nasa balkonahe kanina?”
Binalingan siya nito sa blankong mukha. “Dito ka lang.”
Tumalima ako habang ito naman ay pumanhik sa itaas wala pang limang minuto at bumalik din. “Sumunod ka sa`kin.”
Hindi na ako nagtanong dahil baka masabihan akong masyadong mausisa.
“Ako si Nana Selia, ang mayordoma ng mansion maliban sa`kin may driver si Senyorito Henandro, si Mang Lito at ikaw na magiging katulong ko ditto sa bahay habang wala pa ang amo natin.”
Tahimik akong ng nakinig sa mga bilin niya at kung ano pa ang mga dapat kong gawin pero hindi nakaligtas sa kanya ang isang pintuan na mahigpit na nakadandado. Baka may dahilan kung bakit `yon nakasara kaya hindi na ko nagtanong pa.
Pagpasok ko sa kwarto na nakalaan para sa`kin hindi ko maiwasang magtaka nang makakita ng isang itim na rosas sa kama ko.
Napakunot ako ng noo hindi kaya ito ang hawak kanina ng babae? Nagkibit balikat ako at naghanap ng pwedeng paglagyan ng bulalak.
Hindi man lang ako nagabala na alamin kung ano man ang ibig sabihin ng rosas na hawak.
SA PAGMULAT ng aking mga mata ay nakakita ako ng isang napakagandang hardin, humahalimuyak ang bango ng mga puting rosas na nakatanim sa buong paligid at ang hangin ay isinasayaw ang mga dahon sa paligid.
Sa gitna ng maliit na paraiso ay ang isang napakagandang babae, ang buhok nito ay abot hanggang beywang, nakasuot ng napakagandang putting trahe de boda, mala anghel na mukha at matang lalo pang pinatingkad ng paligid nito.
Pero nagdilim ang buong paligid at may nakita akong isang anino sa likod ng babae, sinubukan kong sumigaw para balaan siya pero hindi ako makagalaw. Noon ko lang napansin na kahit na anong gawin ko ay walang nakakarinig sa`kin.
Ang kaninang parang isang matamis na panaginip ay naging isang bangungot nang mabahiran ng pula ang dating puting mga rosas.
Kasunod ay ang pagsiklab ng apoy na tumupok hindi lang sa bangkay ng babae maging ang dating magandang hardin. Biglang naging iba ang senaryo at ngayon ay tumambad sa akin ay ang tupok na hardin at mga sumusibol na itim na rosas kasunod ay ang isang pamilyar na bulto ng babae.
Unti unti nitong itinaas ang belo sa ulo, dumaloy ang kilabot sa buong katawan ko kasunod ng pagtambol ng dibdib at isang sigaw na ayaw kumawala sa aking labi.
NAPABALIKWAS ako ng bangon habol ang hininga at nangaligkig sa lamig sa kabila ng pagpapawis ko saka ko lang napansin na bukas ang kapis kaya inililis ko ang kumot ko saka isinara iyon. Hindi lang iilang beses ako nanaginip ng ganoong tagpo pero hindi ko pa rin maiwasang itanong sa sarili ko kung ang mga nakikita ko bas a panaginip ay may kinalaman sa babaeng nakaputing bestida at may hawak na itim na rosas.
Isang linggo na ko sa mansion na `yon pero marami na kong kababalaghang nararanasan, katulad na lang ng bulaklak na kahit na sa maraming araw na lumipas ay hindi pa rin nalalanta gusto ko nang itapon `yon pero may isang boses na nagsasabi sa`kin wag kong gawin.
May mga pagkakataon din na bigla na lang tumitindig ang balahibo ko sa batok tuwing may maamoy akong halimuyak ng rosas.
Naalala ko pa ang mahigpit na bilis sa akin ni Nana Selia nang sinabi ko ang naamoy ko sa unang pagkakataon.
“Kahit na anong mangyari wag na wag mong susundan ang halimuyak ng rosas.” Hindi ko alam kung bakit pero mas pinili ko na lang na maniwala sa pinayo nito.
Naramdaman ko ang panunuyo ng labi kaya nagpasya akong pumunta sa kusina sa totoo lang ay natatakot ako pero nagpasya akong wag nang buksan ang ilaw ibinilin kasi ni Nana Selia na wag magbubukas ng ilaw kung hindi naman kailangang-kailangan.
Umiingit ang kahoy na sahig sa mansyon at katulad ng dati para parang may matang nakamasid sa bawat kilos ko pero hindi ko na lang pinansin dahil baka guni-guni ko lang ang lahat at tinatakot ko lang ang sarili ko.
Kumuha ako ng baso pagkapasok ng kusina at naglagay ng tubig babalik na sana ako sa kwarto ko para doon na lang ako uminom nang tumambad sa`kin ang babaeng nakaputi na may hawak na itim na rosas.
Umalingawngaw sa tahimik na gabi ang pagkabagsak ng baso, para kasing naging totoo ang ilang araw kong bangungot sa harap ko.
Gusto kong sumigaw habang rinig na rinig ko ang mabilis na pintig ng puso ko pero katulad nang sa hardin ay walang namutawi sa aking bibig. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko hanggang sa humakbang ng paunti-unti ang babae sa harap ko.
Dahan-dahan habang umiihip ng malakas ang malamig na hangin, hindi na ko makahinga, gusto kong humingi ng tulong pero ang takot na nararamdaman ko ang nagiging dahilan kung bakit para akong natulos sa kinatatayuan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nag ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha naming sa isa’t-isa naaninag ko na ang mukha ng babae pero hindi ko pa rin siya mamukaan gumalaw ang bibig nito pero walang boses akong naririnig.
Pero kung gaano kabilis na nagpakita ang babae ay ganoon din ito kabilis na nawala nang biglang bumukas ang ilaw at hindi ko maiwasang masilaw.
“Sino ka?” sandali kong inaninag ang nagsalita hanggang sa makita ko si Senyorito Henandro na unang beses ko pa lang na nakita ng personal, nakilala koi to dahil sa iilang mga larawan nitong nakakalat sa mansyon.
“Ako nga po pala si Amara, Senyorito Henandro. Ako po ang bagong katulong ditto sa mansion.”
Biglang tumalim ang tingin niya sa`kin kaya hindi ko maiwasang mapaatras dahil sa biglang pagbangis ng mukha nito.
“Ayusin mo na ang lahat ng gamit mo bukas na bukas din aalis ka na.”
Iyon lang at umalis na `to habang ako ay hindi makapaniwala sa mga narinig, at sinundan lang ng tingin ang amo.
Naguguguluhan ako sa mga nangyayari hanggang sa nagpasya akong pumasok na sa kwarto ko at sundin ang senyorito, baka nga tama ang sinabi nito na dapat na akong umalis sa lugar na `to dahil baka pati sarili kong katinuan ay mawala na lang bigla.
NAGISING ako dahil sa dalawang boses na nagaaway, bumangon ako at mabilis na nagayos kung ano man ang mapagpapasyahan ng dalawa ay tatanggapin ko ng maayos.
Pinnuntahan ko kung saan nanggagaling ang pagaaway, bahagyang nakaawang ang pinto kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumilip.
“Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na tigilan mo na `to?” asik ni Senyorito Menandro.
“Pero Senyorito.”
“Wala nang pero-pero pauwiin mo na ngayon din si Amara.”
“Ito lang ang tanging paraan Senyorito.”
“Hindi na ko makakapayag pa naiintindihan mo ba?”
Nahugot ko ang hininga ko nang muli ko na namang nakita ang babaeng nakaputi saka dumaan sa isip ko ang mga salitang pilit na sinasabi nito sa`kin.
“Umalis ka na iligtas mo na ang sarili mo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto kasunod `non ay lumabas na si Senyorito Henandro at sandali lang akong sinulyapan bago umalis saka naman lumabas si Nana Selia.
“Amara, pasensya na.”
“Okay lang po Nana, naiintindihan ko.”
“Tinawagan ko na si Mang Berto,” Sabay silang napalingon nang bumalik si Senyorito sa Sala. “Bukas pa siya makakabalik galing sa syudad para maihatid ka,” Inabot nito ang isang sobre sa kanya. “Ito na ang sweldo mo makakabalik ka na sa kwarto mo at huwag kang lalabas `don ngayong gabi maliwanag ba?”
Naguguluhan man ay tinanggap ko ang sobre at babalik na sana ako sa kwarto nang maalala ko ang babae. Sinundan ko ang direksyon na tinuturo nito hanggang sa napatapat ako sa isang kwarto binuksan ko ang seredura at ang unang tumambad sa`kin ay ang babaeng gabi-gabi ko na lang na napapanaginipan.
Ang magandang babae na may hawak na puting rosas sa nakapinta niyang larawan, napasinghap ako nang bigla na lang lumitaw ang babaeng nakabestida sa tabi ng larawan.
“I-ikaw ba to?” ganon na lang ang panlalaki ko ng mga mata nang tumango ang babae.
Anong ibig sabihin ng lahat ng `to? Bakit ako pa? bakit ako ang nakakaranas nang lahat ng `to? Ano ba talaga ang misteryo na bumabalot sa bahay na `to?
“Bakit ba palagi na lang kitang nakikita sa lugar na hindi mo dapat puntahan?”
Napapitlag ako at binalingan kung saan nanggaling ang boses.
“P-pasensya na po Senyorito.”
Bumuntong-hininga ito. “Hayaan mo na.” saka ito lumapit sa`kin.
Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa presensiya nito pero hindi na lang ako nagsalita at hindi maiwasang magtanong.
“Kilala niyo po ba siya?”
“Si Mama, matagal na siyang wala pero pakiramdam ko palagi pa rin ko siyang kasama.”
Gustong kong sabihin na totoo ang sinasabi nito at mukhang binabantayan din ng mama nito ang buong mansyon sa kung sino man ang pumatay ditto.
Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa saka ako nagpasya nang magpaalam na babalik sa kwarto ko.
“Amara,” Nilingon ko siyang muli. “Saraduhin mong mabuti ang kwarto mo ngayon gabi.”
Nahihiwagaan man ako sa sinabi niya ay tumango lang ako at saka tinalunton ang kwarto ko.
KINAGABIHAN ay sinunod ko ang utos sa`kin ni Senyorito Henandro at sinarado ng mabuti ang pinto ng kwarto. Matutulog na sana ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa kwarto, kasunod `non ay ang pagbabadya ng kulog at kidlat sa labas.
Kinapa ko ang tokador kung saan nakalagay ang isang kandila at posporo, pagkabukas ng liwanag ay nakarinig ako ng isang malakas na sigaw.
Agad kong tinungo ang pinto para lang mapatigil nang maalala ko ang mahigpit na utos sa`kin ni Senyorito.
Pero sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang buksan ang pinto, agad kong tinalunton kung saan galing ang sigaw.
Biglang kumidlat at saka tumambad sa`kin ang duguang katawan ni Nana Selia at si Senyorito Henandro na may hawak na bakal na tubo na may bahid ng dugo.
Nabitawan ko ang hawak kong kandila at kasabay ng pagbagsak `non sa sahig ay ang pagkaripas ko ng takbo. Nakita ko ang isang pintuan pero agad na humarang sa daanan ko ang babae, pero mas natatakot ako sa buhay kaysa sa patay kaya kahit na ito ang lugar na mahigpit akong pinagbabawalan na pumasok.
Gamit ang buong lakas ko ay binuksan ko ang pinto hindi ko na ininda ang lamig na sumigid sa buong katawan ko makatakas lang mula kay Senyorito Henandro.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang hardin kahit na nakayapak pa ko ay binaybay ko ang daan. Nang lumingon ako doon ko lang napagtanto na walang humahabol sa`kin.
Nakahinga ako ng maluwag saka nagisip kung paano ako makakalabas ng hardin para lang magulat nang bigla na lang may lumitaw sa harap ko na may hawak na palakol.
Naramdaman na lang ko na lang na may humalbot sa braso ko at nagpagulong-gulong kami sa lupa.
“Tanga ka ba? Bakit hindi ka umilag?” nanlaki ang mga mata ko nang makilala si Senyorito Henandro.
Nang lingunin ko kung sino ang muntikang makapatay sa`kin ay mas lalo lang akong nagulat nang makita ang duguang mukhani Nana Selia.
Mabalasik ang mukha nito at tila ba isang hayop na ninakawan ng sariling huli bago pa maproseso ng utak ko ang nangyayari ay nahatak na ko ni Senyorito palayo kay Nana Selia.
Nagtago sila sa isang masukal na parte ng hardin pareho nilang habol ang hininga.
“Hindi ba sinabihan kitang wag kang lalabas?”
“Ano po ba talaga ang nangyayari Senyorito?”
Huminga ito ng malalim. “Si Nana Selia ay may kakaibang obsesasyon kay Papa na naging dahilan kung bakit pinatay niya si Mama sa mismong hardin na `to. Pero dahil sa pagmamahal ni Papa kay Mama sa huli ay ginupo siya ng sakit at namatay. Sa loob ng ilang taon ay nagsa-sakripisyo si Nana Selia ng mga dugo at katawan ng mga babaeng katulong para ibalik sa mundo ng buhay si Papa. Nitong taon ko lang nalaman ang lahat kaya sinubukan ko siyang pigilan.”
“Kaya ba iyon ang nakita ko kanina?”
“Oo.”
Pinagdugtong-dugtong ko mga nangyari, kay pala ganon na lang ang reaksyon ng mga taong nakasalubong sa unang beses kong makatungtong sa lugar na `to. Ang babaeng may hawak na itim na rosas, sa unang pagdating ko pa lang may gusto na itong sabihin at ang itim na rosas sa kwarto ko ang nagsisilbi nitong babala. Maging ang halimuyak ng rosas na naamoy sigurado akong may ibig sabihin din ang lahat ng iyon.
Sa muling pagkidlat ay nakita ko ang anino ni Nana Selia at ang palakol na hawak nito. Mabilis kong hinatak si Senyorito sa nakaambang panganib, hatak ko siya ay mabilis kaming tumakbo palayo, hindi ko na alam kung saan kami pupunta pero gusto kong masigurado na makakawala kami.
Ramdam kong nagdurugo na ang mga paa ko dahil sa mga naapakan kong mga sanga sa lupa pero hindi ko `yon ininda dhail patuloy lang ang pagsunod sa amin ni Nana Selia. Hindi ko maintindihan kung paano pa niya kami nasusundan sa kabila ng katandaan niya pero hindi ko na `yon inisip pa.
Natigilan ako nang makita ko ang babaeng nakaputing bestida, may itinuturo ito at ngayon alam ko nang andito ito para tulungan kami hindi na ko nagdalawang isip na sundin ito.
Hanggang sa nakarating kami sa gitna ng hardin kung saan natatandaan kong nakatayo si Rosario sa aking mga panaginip.
Sa pagkakataon na `yon ay itinuro nito ang likod nila, huminto kami saka ko nilingon si nana Selia, wala na ang palagi nitong maayos na pagkakapusod ng buhok, ang mukha nitong may mabalasik na anyo at ang katawan nitong puno ng dugo. Ito na siguro ang masasabing isang mukha ng totoong mangkukulam sa paningin ko.
Hinahatak ako ni Senyorito Henandro pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, naniniwala ako na kaya kami pinahinto doon ni Rosario dahil ay may dahilan ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isang may lumitaw na mga babae, isa lang ang sasasabi ko siguradong mga kaluluwa ng mga babaen isinakripisyo no Nana para ‘buhayin’ ang isang patay.
“Ikaw na ang huli Amara, wag mo na kong subukang takasan.”
“Ikaw na dapat ang tumakas, dahil sa mga kasalanang ginawa mo.” napansin na ni Senyorito ang gusto niyang ipahiwatig nang makita na nito ang mga babaeng unti-unting lumalapit kay Nana Selia.
Mukhang napansin na din nito sa wakas hindi ang nangyayari, “Hindi-hindi niyo ko mapipigilan!” pero kasunod `no ay isa-isa nang lumitaw ang mga babae at hinawakan ang iba’t-ibang parte ng katawan nito.
Nabitawan na nito ang hawak na palakol kasunod nang pagdarag ng mga babae sa katawan nito sa isang madilim na parte ng lugar, at sa isang iglap ay tuluyan nang nawala sa paningin nila si Nana Selia.
Bumaling sa kanila si Rosario at itaas na nito ang belo pero hindi kagaya ng nakikita ko sa bangungot ay ang napakaganda nitong mukha.
“Mama!” nakita ko ang pagbalatay ng saya sa mukha ni Senyorito Henandro. Ngunit ngumiti lang si Rosario at saka unti-unti na ring naglayo. “Sandali lang!”
Agad kong pinigilan si Senyorito. “Tama na ho, ilang taon na po niyang binabantayan ang lugar na `to hayaan niyo na siyang mamahinga.”
Kumalma siya pero alam kong punog-puno pa rin ito ng emosyon. “Umalis na tayo.”
Tumango ako pero napangiwi nang sumigid ang kirot ko sa paa, agad naman niyang napansin ang mukha ko kaya inalalayan niya kong umalis.
Sa aming pagtalikod sa ilalim ng maliwanag na buwan ay isang kamay ang lumitaw mula sa hukay.









![Lycan Soulmates #3: The Lycan of Wisteria Falls [18+]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_4912e8ef60c90f32f2a1447e6b3e0cff.jpg?width=1920&quality=75)