Jeep Reincarnation
Sa kalagitnaan ng malakas na ulan, mga taong nagsisitakbuhan, mga batang naglalaro sa ulan at ako na nakatungo sa loob ng isang dyip nang mag biglang tumabi sa'kin. Isa s'yang matangkad na lalaki, matangos ang ilong, katatamtamang puti at may perpektong katawan. In short... GWAPO!
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagmasdan ko s'ya. Nakatitig lang ako sa kan'ya subalit ni isang tingin ay hindi man lang n'ya ako tinapunan. Pakiramdam ko ay kilalang kilala ko siya ngunit wala akong matandaan kaya hindi ako din ako sigurado kong kilala ko ba talaga s'ya o hindi. Siguro dahil na din sa nangyari sa aking aksidente kaya wala akong maalala na kahit ano.
Ang kwento sa akin ni inay, na hindi ko totoong nanay ay nakita daw nila ako sa gitna ng kalsada. Nakita nilang nabundol ako ng isang malaking sasakyan na iniwan ako matapos ang nangyaring aksidente. Sinugod daw nila ako ni itay, asawa ni inay sa pinakamalapit na ospital para magamot. Ang sabi ng doktor ay malabo na daw na mabuhay ako dahil sa nangyaring aksidente subalit malaking himala ang nangyari ng magising ako at mabilis na gumaling.
Sa paggising kong iyon ay wala na akong maalala na kahit ano. Pati ang pangalan ko, totoo kong pamilya, saan ako nakatira, anong edad ko na, o kung ano akong klase ng tao ay hindi ko na maalala. Tinulungan ako nila inay na hanapin ang magulang ko at pansamantalang pinatira sa kanilang tahanan subalit wala kaming nakuhang kahit na anong impormasyo tungkol sa akin o sa nangyaring aksidente, ni walang nag report sa pulis na may nawawalang babae kaya kinupkop nalang nila ako at hindi din nagtagal ay binigyan nila ako ng pangalan, Micah Dela Rosa. Sinunod nila sa kanilang pangalan.
Abala ang lalaki sa pagkalikot ng kanyang telepono. Hindi nagtagal ay may tinawagan siya sa kaniyang telepono at makikita sa kanyang mukha ang pag aalala. "Babe? Hintayin mo ako ha? Malapit na ako!" Sabi niya sa kaniyang kausap sa at bahagyang tumingin sa driver seat kung saan nakaupo ang nag mamaniho ng dyip. "Manong? Wala na po bang ibibilis 'to? Baka po hindi ko na makita ang mahal ko!" Sabi niya at ibinalik ang kaniyang atensyon sa kausap.
Lahat ng pasahero ng jeep na ito ay tahimik. Walang paki sa isa't isa, walang pakialamanan. Tanging ang lalaking katabi ko lang ang s'yang nagsasalita kaya rinig na rinig namin ang kanilang pag-uusap."Gusto mo bang kantahan nalang kita para hindi ka mabagot?" Sabi n'ya pagkalipas ng ilang mga segundo. Nag simula na s'yang kumanta.
(Sa Tuwina ni Tj Monterde)
Sa bawat pagbigkas n'ya ng nota ay mararamdaman mo ang kan'yang pagmamahal sa kausap.Tela ba may kaunting kirot sa aking puso ang hindi ko maipaliwanag. Napakasuwerte ng babaeng kanyang inaawitan dahil mababakas sa mukha nito ang sobrang pagmamahal sa dalaga. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nakuha nya ang lahat ng atensyon ng bawat pasahero sa jeep na ito. Lahat kami ay nakikinig lang sa kanya. Hinihintay ang susunod na sasabihin nito.
"Sheila!? Ok ka lang ba? Hello! Babe ano ba? Di'ba sabi ko hintayin mo 'ko?" Sabi nito at bigla nalang umiyak. Lahat kami ay nagulat ng bigla s'yang sumigaw."Manong ano ba? Bilisan nyo naman please?" Sigaw n'ya at bahagyang yumoko at napahagulhol. Hindi naglaon ay tumigil ang aming sinasakyan.Tumingin ako sa labas at ang aking tanging nakita ay, HOSPITAL!
Dali-daling bumaba ang lalaki pero bago iyon ay hindi sinasadyang magkasalubing ang aming paningin. Halata sa mata n'ya ang halo-halong nadarama. Gulat, lungkot, sakit, saya, pagkalito. Mga emosyon na mababakas sa kanyang itsura.
Babalik sana s'ya sa loob ng jeep ng bigla nalang itong umandar. Parang may iba sa akin kaya pipigilin ko sana ang pag andar ng sasakyan pero nawala na s'ya sa aking paningin.
Simula ng araw na iyon ay hindi na nawala sa isipan ko ang gwapong lalaki. May mga imahe na bigla-bigla nalang pumapasok sa aking isip. Minsan mga eksena na pakiramdam ko ay mga totoong nangyari ang aking napapanaginipan pero sa tuwing gigising ako ay nawawala na at hindi ko na ulit malala.
Merong magkayakap kami ng gwapong lalaki, naghahalikan, magkasamang namamasyal, nagtatawanan at pati ang mga pangyayaring nagpapalitan kami ng salitang "I love you!".
Pero ang mas malala, ang eksena sa ospital habang s'ya ay umiiyak hawak ang aking kamay at pinapakiusapang bumalik ako sa kanya. WEIRD! I know right! Pero parang totoo.
Saktong tatlong taon na ang nakakalipas pero malinaw parin sa akin ang pangyayari sa jeep. Ramdam ko pa din ang mga pakiramdam na nararamdaman ko ng mga panahong iyon.
Nandito ako ngayon sa paradahan ng jeep. Eksaktong lugar kung saan ako sumakay ng mga panahong iyon.Gaya noon ay malakas din ang ulan ngayon. Nababasa na ako ng ulan pero hindi ko ito iniinda.
Kailangan kong makauwi ng maaga ngayon sa kadahilanang may salo-salo sa aming bahay dahil sa ito ay kaarawan ng aking inay. Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya napayakap ako sa aking sarili. Masyadong malamig ang ihip ng hangin na dala nito.
May dumating na jeep kaya nagmadali akong maglakad papunta dito ng biglang mahulog ang aking panyo. Yumuko ako para kunin ang panyo ng may biglang pumayong sa akin. Tumayo ako at tumambad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki sa jeep noon. Pareho kaming nagulat.
"Sheila?" Sabi n'ya at bigla akong niyakap. Sobrang higpit nito na halos hindi na ako makahinga kaya itinulak ko s'ya."A-ano ba? Hi-hindi kita kilala!" Sabi ko sa kan'ya at bahagyang umatras."Sheila! Ako 'to. si Josh! Boyfriend mo." Giit nito kaya napailing ako "Nagkakamali ka siguro mr. hindi Sheila ang pangalan ko, ako si Micah!" sagot ko sa kanya. Siguro ay nababaliw na ang lalaking ito, sayang at gwapo pa naman.
Pero hindi ko din maikakaila ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nag kita uli kami. Iyon ang alam ko. Pero ang katotohanang bigla-bigla n'ya na lang akong niyakap ay nagbigay sa akin ng libo-libong takot. "Sheila!" sabi nito at hinatak ang aking braso paharap sa kanya. Hindi pa ako nakakabawi ng sakupin n'ya ang aking labi. Mainit, mapusok, pero ramdam ang pagmamahal. Hindi ko alam sa aking sarili pero tumugon ako sa bawat pag galaw ng kanyang labi. At unti unting may mga alala-ala ang biglang nakikita ko sa aking isip.
Unti-unting nagiging maliwanag ang aking mga panaginip. Ang mga pakiramdam sa tuwing kami ay mag kasama. Pagkalipas ng ilang segundo ay unti-unti nading naghihiwalay ang aming labi. Pareho kaming naghahabol ng hininga at basa dahil nabitiwan n'ya pala ang kaninang hawak n'yang payung. "Josh!" tanging nabanggit ko ng maging malinaw na sa akin ang lahat.
Ako si Sheila Gabriel. Ang babaeng nagkasakit ng cancer, ang babaeng iniyakan ng isang playboy na si Josh Montemayor.
Nangakong hindi s'ya iiwan kahit na anong mangyari. At ang babaeng lumuhod sa mga anghel na muling buhayin upang makasama ko ang lalaking itinitibok ng aking puso. "Sabi ko na buhay ka. Babalikan mo ako mahal. Kaya hindi ako sumukung maghintay sa iyong pag babalik!" Sabi ng mahal kong lalaki at muli, nag dikit nanaman ang aming mga labi! Na nagsisimbulo ng aming bagong pagmamahalan. Ang pagpapatuloy ng naudlot naming pag mamahalan. Simbulo na itong lalaking ito, kahit anong mangyari ay mamahalin ko!
— Tapos!
mantarals




![Fated to My Ex- Best Friend [Moving to Galatea]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_49edb1dbf9a28b50b9c4d68d8598359b.jpg?width=1920&quality=75)





