Chapter 1 - White
Sabi ko noong araw ng graduation ko sa Senior High School, hindi na ako babalik sa school na ito dahil bulok ang sistema nila para sa mga estudyante... pero eto ako't dito rin pala ang bagsak ko pag dating ng college.
Ang sabi nina kuya, dito nalang raw ako ulit mag aral dahil isang oras lang naman ang byahe. Hindi raw kasi sya kumportable kung lalayo pa ako ng school at mag d'dorm.
"delikado kung mag d'dorm ka pa, dito ka nalang. Atleast isa sa amin ng mga kuya mo, pwede ka sunduin sa school mo pag hindi kami busy. Saka mangangayayat ka lalo kung mag d'dorm ka pa! Sinong mag luluto para sayo roon?" si kuya, panganay sa amin.
Pero hindi ako naniniwala sa dahilan nila lalo pa't isang beses ay narinig ko silang anim nag uusap tungkol sa pag c'college ko. Ayaw nila akong pag aralin sa malayo at mag dorm dahil una, baka raw mag lakwatsa lang ako at may masamang impluwensya ang magiging bago kong kaibigan roon, pangalawa ay baka raw mag ka boyfriend ako ng hindi nila alam. Atleast dito mababantayan daw nila ako. Hindi ko naman sila masisi kung bakit napaka protective nila sakin. Nag iisa akong babae sa aming pitong mag kakapatid at ako pa ang bunso. Sina mama at papa, nasa ibang bansa, twice or thrice lang nauwi every year.
Apat sa mga kapatid ko ay may trabaho na. Si kuya Zak na panganay, architect. Si kuya Ron ay pangalawa sa panganay, may sarili nang resto. Si kuya Jaime naman pangatlo, isang lawyer, pinaka matalino saming pito. Si kuya Relvic ang pang apat mula sa panganay, isang maginoong teacher. Si kuya Glen yung 4th year na, Architecture ang kinukuha, idol na idol nya talaga si kuya Zak. Si kuya Severo ang bunsong lalaki, 4th year narin tulad ni kuya Glen. Computer Engineering naman ang kinukuha nya.
Single lahat ng mga yan,
Ako? Single na single!
Noong 18th birthday ko noon, sabi ni mama ay pwede na raw ako tumanggap ng manliligaw. Itong mga asungot kong kapatid lang naman ang palaging hadlang at ayaw na ayaw. 20 years na akong nabubuhay sa mundo, ganyan parin sila.
Ang tagal kong nakaupo parin sa sasakyan namin, pinag mamasdan ang mga estudyanteng mga mukhang excited sa unang raw nila sa kolehiyo. May mga nakikita na akong naka puti na uniform, karamihan mga babae, iilan naman ang lalaki.
"15 minutes nalang before your class, hindi kapaba bababa?" si kuya Relvic na syang naghatid saming tatlo ni kuya Severo at kuya Glen. Nag paalam silang dalwa sa amin na mauuna na sila. Hinalikan nila ako sa noo kanina bago sila umalis ng sasakyan.
Ito namang si kuya Relvic, pinakiusapan ko kung pwedeng mga stay muna ako kasi hindi pa ako ready. Pinagbigyan nya naman ako kaso 30 mins na akong nakaupo dito at mukang naiinip narin itong si kuya. Paano ba naman ako bababa eh wala naman akong kakilala na dito, yung mga classmates ko nung SHS dito ay nasa ibang school na at ako nalang naiwan para rito mag college. Mabuti pa sina kuya Severo at Kuya Glen, madami nang tropa na excited nilang makita.
Nagbuntong hininga ako at nilingon si kuya Relvic na nakatitig narin pala sa akin at nakangiti nang may bahid na pang aasar. Bigla nya nalamang pinisil ang pisngi ko.
"Kuya!" nakakagigil sya, alam nyang ang bilis mamula ng pisngi ko kaya ang hilig nya pisilin. Napatingin tuloy ako sa salamin at nakitang mapula nanga agad iyon kahit hindi naman ganun kahigpit nag pisil nya.
"You are really grown up na. You really need to go now and make some friends, you need it." He chuckled.
Inirapan ko lamang sya at nag ayos muli ng sarili. Kaunting powder at liptint lang ayos na. I don't like makeup, parang ang lagkit sa mukha.
Inayos ko na yung bag ko at humarap kay kuya para halikan sya sa pisngi.
"I'll text one of you kung masusundo ko kayo mamaya, pag hindi ay si kuya Ron nalang, hmm? At mag pakabait ka dyan. Wag mo kalimutan apat na mata ang nakabantay sayo dyan." Tumawa uli sya. Bwiset.
"whatever, bye!" sinara ko ng malakas yung pinto ng sasakyan at mabilis nag lakad para hanapin ang department ko. Nakakita pa ako ng naka white na uniform kaya sinundan ko sya, paniguradong parehas naman kami ng pupuntahan.
After 3 minutes of walking, nakatayo na ko sa harap ng building ng department namin at tinitingnan ang mga nakaukit na letra sa taas ng entrance.
COLLEGE OF NURSING
Napangiti ako, kahit hindi ko gusto yung school na pinasukan ko, gusto ko naman yung course. I think I'll survive.
Hinanap ko na yung room number na nasa schedule ko. Napatingin ako sa relo ko noong nahanap ko yung room, 7:55 am. Five minutes nalang kaya pinihit ko na yung door knob. Akala ko may teacher na dahil sobrang tahimik, pero wala pa namang nakatayo sa harapan. Napayuko ako bigla ng pamansin ang mga titig nila sa akin. Isinarado ko agad ang pinto at nag angat ng tingin para humanap ng bakanteng upuan. Nakakita naman agad ako sa may bandang gitna. Maunti lang kami sa room, wala pa atang 20 students. Lumapit ako roon sa tabi ng babaeng may kulay ang buhok. Bawal iyon ah? Na orient na kami week before mag pasukan para sa rules and regulation at iyang kulay ng buhok nya, bawal yan.
"May nakaupo or uupo ba dito?" magalang kong tanong sa kanya. "Wala naman, upo kana." Inayos nya pa yung arrangement ng upuan namin bago nya ilahad sa akin. "Salamat." Ngumiti ako at ngumiti lang din sya pabalik. Hindi na sya nag salita pa ang nag pahalumbaba nalang na parang gusto na umuwi. Wala pang teacher at sobra ring tahimik. Kung may ingay man kaunti lang at galing pa sa nag k'kwentuhan na sa tingin ko'y mag kakilala na o magkaibigan.
Nanahimik nalang rin ako. Sa unang araw lang naman yan, sa mga susunod na linggo eh baka kasing ingay narin namin yung mga criminology na nasa kabilang building na eh rinig parin ang hiyawan rito sa bulding namin.
"I am Vela," biglang pagpapakilala ng katabi ko. Napangiti naman ako agad sa kanya, "Nice to meet you, Vela. I am Scylla Sandoval."
Napangiti sya bigla ng malaki. "Sandoval ka??" manghang mangha nyang tanong. I nodded in confusion kung bakit parang bigdeal na Sandoval ako.
"Kaano ano mo yung magkapatid na Sandoval, yung graduating! Yung isa hindi ko alam kung anong year, basta parehas gwapo. Ano? Pinsan mo ba?" I narrowed my eyes at her. Bakit kilala nya ang mga kapatid ko eh first year lang naman sya tulad ko?
"Ahh, no. They are my older brothers," sagot ko.
Ang kaninang tahimik na room ay nabalutan ng matinis na irit ni Vela, nagtinginan samin yung mga classmates namin kaya tinakpan ko yung bibig niya. Tiningnan ko yung mga classmates namin at ngitian bago humingi ng despensa, inilipat ko ang tingin ko kay Vela bago inalis ang kamay ko sa bibig nya.
"I am so sorry, hindi ko sinasadya. Nakaka bingi ka kasi, ang ingay at nakakahiya." Nahihiya pa akong sabihin yon. Medyo pranka ba? Eh totoo naman. She just stared at me with amusement at tumawa. Sakto namang dumating na yung prof kaya nag si ayos na kami ng upo.
"Sabay tayo mag lunch mamaya, papakilala kita sa kapatid ko!" masiglang pahabol ni Vela bago nanahimik at itinuon ang atensyon sa kung ano mang sasabihin ng prof. Ang weird pa yata ng magiging unang kaibigan ko sa college, napailing nalamang ako.
Mabilis dumaan ang oras, 10 am palang ng idismiss kami NSTP prof namin sa umagang ito. First day daw kaya next week na sya mag start ng klase. Nag pakilala lang kami isa isa at magbigay raw ng talents. Akala ko sa mga highschool lang uso yan, pati pala sa college. nag drawing nalang ako sa board kanina tutal yun lang naman alam kong talent ko. Magaling ako sa swimming pero alangan namang mag dive ako sa sahig sa harap nila.
Tulad ng sabi ni Vela kanina, sabay raw kami mag lunch pero hindi panaman oras ng anghalian at hindi pa kami gutom kaya nagpasya nalamang kaming libutin itong campus ng college. First time ko dito kasi nung Senior high naman ako eh nasa kabilang campus yung SHS Department. Naglalakad lang kami sa hallway, hawak ni Vela ang phone nya at it'text lang daw ang sinasabi nyang kapatid. Ako naman, pinag mamasdan ang mga iba't ibang klase ng laboratory roon. Ang tahimik ng paligid.
"Bakit parang wala masyadong estudyante rito?" tanong ko kay Vela na busy parin sa phone nya. Napansin ko kasing dalwang section lang ang meron sa freshmen na narito sa building na to at bukod doon ay wala na. Narinig nya naman yung tanong ko kaya napaangat sya ng tingin.
"Ah? Wala kasi yung mga fourth year eh" simple nyang sagot bago ibinalik sa phone ang attention. Seriously? Baka naman hindi nya kuya yang ka text nya at boyfriend siguro kasi kanina pa sya ngiting ngiti.
Kaya siguro, may k-to-12 nga pala kaya walang 2nd year at 3rd year ngayon. Sayang, 3rd year nar sana ako kung hindi ako nakaabutan ng new curriculum. Ang dalwang mokong na si kuya Glen and Kuya Severino kasi eh piniling magbakasyon sa Japan noon kasama sina mama at papa kaya late sila ng isang sem. Ayan at parehas silang fourth year ngayon. Si kuya Glen dapat ay graduate na pero narito parin para kunin yung ilang subjects bago sya grumaduate. Si kuya Severino ay may ilang kinukuhang subjects na pang 3rd year, buti nalamang at minor subjects lang naman kaya sa 4th year master list na talaga nasasama ang name nya. Isang taon lang naman tanda ni kuya Sev sakin eh sayang... magkasunod sana kami ng year level.
Masipag ang mga magulang naming gumawa palibhasa may ibubuhay naman. At sobrang proud naman ako sa parents kong napagtapos nila sina kuya sa mga exclusive school. They are the proudest when my kuya Jaime top their class and got the highest honor nung grumaduate sya. Kuya Jaime said to my parents that time that they deserved the medal more kasi hindi naman sya makakapag aral kung wala ang tulong ng parents namin. Sobrang proud kaming mag kakapatid sa kanya.
Pababa na kami ng hagdan, may mga nakakasabay kaming ka section ata namin at yung iba, taga kabilang section naman. May ibang nagmamadali sa pag baba ng hagdan, yung iba nag k'kwentuhan lang. Napapansin ko lang na karamihan sa mga freshmen ay mga babae, kakaunti talaga yung mga lalaki. Sabagay, this is nursing course... bibihira talaga ang lalaki.
"Wala bang klase ang mga seniors natin?" kuryoso kong tanong kasi ang tamlay lang tingan ng building na ito kasi wala masyadong students. Marami kayang students ang fourt year dito sa Nursing?
"Nako. Pag ganitong Monday, wala talaga sila. Hanggang Wednesday na yun." Sagot nya, wala na syang hawak na phone. Hawak nalamang nya yung paper bag na hindi ko alam kung anong laman.
"Bakit?" tanong ko. "Hmm? Ano ka ba, pag fourth year kasi, busy na sila sa hospital duty. 6am to 2pm yung duty nila kaya maya maya nandito na yung mga yon" sagot nya. Nagtaka naman ako kung bakit alam nya. Pero hindi na ako nag tanong at baka makulitan pa sya sa akin.
Pagkalabas namin ng building, sinimulan nanamin libutin ang buong college department. Una naming nadaanan ang field na marami nang nagamit dahil may mga football payers nag tatakbuhan kahit sikat na sikat na ang araw. Ang aga naman ata nila mag practice? Simula palang naman ng school year ah? May sports fest nabang magaganap?
Nag patuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may harap ng bulding ng Engineering. Napapansin ko na ang pag lingon ng mga kuryosong mata sa amin. Oo nga pala at naka all white kami, naka skirt kami na white tapos black shoes. Nakakahiya tuloy at nakaka agaw pansin yata kami. Hinila ko na si Vela paalis roon. Natawa naman sya sa action ko.
"Ang mahiyaain mo naman Syclla! Layo sa mga kapatid mo." Tumawa pa sya. I sighed.
"Just call me Sy, Vela. At kilala mo sina kuya?" tinanong ko na kasi baka mamaya, tuta rin pala ito ni kuya para bantayan ako. "Oo kilala ko, paano banaman kasi palagi nalang nasa bahay yung si kuya Glen. Tropa sya ng kapatid ko. Pag may mga projects, laging nandoon yun sa bahay kasama yung iba nilang tropa." Ngitian nya ulit ako.
Buti pa sya, she seems close to the friends of his brother. Hindi naman kasi nag dadala ng tropa sina kuya sa bahay at kung magdadala man eh yung kapag may handaan at syempre hindi nila ako ipapakillala kasi maloloko daw yung tropa nila. Sabi pa sa akin ni kuya Sev one time na may crush daw sakin yung isa nyang tropa kaya ayaw ipalapit sa akin. Wala rin naman akong pake kasi hindi ako interasado.
"...at dahil kilala ko na naman mga kuya mo, ikaw naman papakilala ko sa kuya ko." Pag papatuloy nya pa.
Nagtanong tanong nalamang sya sa akin ng kung ano anong bagay, may tungkol sa mga hilig ko at tungkol sa senior high days ko. Nai'kwento ko tuloy yung mga pinag daanan namin sa senior high. Nakakagigil parin talaga, sa sobrang dami ko yatang rant eh hindi ko na namalayang 11:30 na pala at halos tapos nanamin malibot ang kalahati ng College community dito. Kulang yata ang dalwang oras para magala ang kabuuan nito.
"Tara na sa cafeteria, nakakagutom mag lakad." I chuckled. Ang init init pamandin pero mabuti at may hallway namang may cover na pwede namin daanan para iwasan ang sikat ng araw.
Pag karating namin ng cafeteria, agad na kaming pumila para bumili. Matapos ay umupo na kami para magsimulang kumain. Wala masyadong tao sa, malamang sa labas doon sa mga fast food nakain.
Kanina ko papalang hindi na che'check ang phone ko kaya nung pag kabukas ko ay sumalubong sa akin ang mga messages nina kuya.
Kuya Ron:
I told Relvic to wake me up early dahil ako mag hahatid sayo sa school. That bastard woke me up pag karating nya galing sa paghatid sayo!
Kuya Relvic:
Kuya Ron is so mad at me. HAHAHA, sinabi ko nalang na pwede namang sya ang sumundo mamaya. I have seminar later. Goodluck on your first day there again.
Kuya Zak:
YOU LEFT YOUR LUNCH BOX HERE, SY!
Oh my god kuya Zak! I already told him na ayaw kong magbaon kasi ang bibigat na ng libro sa bag ko. Ang laki laki pa noong lunchbox kasi gusto yata ni kuya Zack na lahat ng klase ng masusustansyang pwedeng kainin ay ilalagay nya roon. I am no longer a kid!
Hindi nalang ako nag reply, mamaya na. nakita ko naman yung 2 missed call ni kuya Glen at isang text mula kay kuya Severo.
Kuya Sev:
Anong oras tapos ng first class mo? Sorry idk. It's kuya Glen's fault, he forgot to ask you. We need your sched. Sabay tayong mag lunch tatlo. 12noon.
11:50 na sa relo ko. Gutom na ako at hindi na kayang antayin pa sila. Mabagal naman rin ako kumain at baka nga mauna pa sila sakin mamaya makatapos.
I send a message instead.
'No need kuya, I'm with someone right now. We're eating our lunch now. Nasa cafeteria ako.'
My phone beeped for a message.
"WHO?"
I rolled my eyes, what the hell? I replied, 'it's a girl! Grrr.'
Nag patuloy na ako sa pagkain at nakipag kwentuhan nalang ulit kay Vela.
"Buti nalang sinamahan mo ako mag lunch ngayon." Malungkot ang tono nya, napa angat tuloy ako ng tingin kaya nag patuloy sya. "si kuya kasi, may inaasikaso sa council tapos may training pa sila para sa football kaya wala sana akong kasabay kumain ngayon. Unang araw pamandin" malungkot parin sya.
"Wag ka mag alala, ako na kasama mo mag lunch every day." I told her and she automatically smiled kaya naman natawa na ako sa reaction nya.
I check my phone again to double check na wala talaga akong class sched ng 1-3 pm. Parehas kami ni Vela kaya for sure, hanggang mamaya pa kami mag kasama. Maya maya ay umingay na ang canteen, for sure sina kuya na yan kasi naamoy ko na yung pabango nya, nakatalikod ako at malapit sa pinto ang pwesto namin kaya amoy ko agad. Hindi na ako nag taka noong may umakbay sa akin bago may humatak noong upuan sa magkabilang gilid ko.
"Anong ginagawa ninyo?" tanong ni kuya Sev doon sa mga tropa nyang paupo na sana pero napahinto ng magtanong si kuya Sev. Nasa lima yata sila, kasya naman kami kung ganoon kasi nakaupo kami ni Vela sa pang sampuang tao na lamesa. Wala na kasing available kanina na pang dalwa o apatan man lang.
Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha ng tropa nina kuya, may mga itsura naman at mukang matatalino. Matatangkad at muka namang matitino.
"Ha? Kakain." Sagot noong isa.
"Alam ko pero bakit kayo nandito? Hoy ikaw, Adrian, papa'cute kalang dito sa kapatid ko eh. Doon kayo sa kabilang lamesa, susunod kami." Nakakunot na sabi ni kuya Sev sa kanila. Nag tawanan naman ang mga tropa nya bago sinunod at lumipat nanga sa kabilang lamesa na pang sampuang tao rin. Tumatawa narin si kuya Glen na nasa kabilang gilid ko.
"Ang init ng ulo mo ah" si kuya Glen, inaasar pa si kuya Sev. Pinipigilan ko narin matawa. Hindi naman sya pinansin ni kuya Sev, bagkus ay inilipat pa ang tingin sa akin.
"Don't trust guys." Seryoso nyang paalala sa akin. Imbes na seryosohin ko ang sinabi nya ay natawa pa ako. "Then that means I can't trust you too?' pang aasar ko kay kuya. Kumunot lalo ang noo nya.
"What? No! syempre iba kami kasi kapatid mo kami. Makinig ka nalang." Mukang pikon na itong si kuya Sev. Lalo tuloy natawa itong si kuya Glen. "Tigilan mo nga si Sy, malaki nay an. Let her do what she wants, okay?"
"No."
Ang tigas, bwiset. I'm mentally choking him in frustration. Ang OA kakainis. Pero alam ko namang concern lang yan sa akin kaya di ko parin kayang sagutin sya or what. I love my six kuyas so much.
Ipapakilala ko sana si Vela sa kanila pero naalala kong magkakakilala napala sila. Nag batian lang sila kanina bago lumipat sa kabilang table para kumain.
Nag pa tuloy ang kwentuhan namin ni Vela. Nang matapos kumain sina kuya ay lumapit ulit sila samin.
"Sunod kami" sigaw ni kuya Glen sa mga tropa nilang papalabas na ng cafeteria.
"Aalis na kami, mag text kanalang kung may problema. Don't turn off your phone para mabilis kang ma'contact" si kuya Sevi. "Okay kuya" masigla kong sagot bago halikan sila parehos sa pisngi.
"Nasan pala ang kapatid mo? Bakit hindi sumabay?" si Kuya Glen na nakaharap na pala kay Vela. Umismid naman sya bago sumagot, "Busy daw sa council". Tumango nalamang sya at hindi na nagtanong pa si kuya Glen kaya nag palam na ulit bago umalis.
Nakatunganga nalamang kami ni Vela sa Canteen kaya naisipan nyang dalhan nalang ng pagkain ang kapatid nya, alam nya kasing hindi pa iyon kumakain. After ordering a meal, umorder din sya ng palabok kasi favorite daw iyon ng kuya nya.
1:30 pm na, ang haba pa ng vacant time. Nag lalakad na kami papuntang field. The air here is so refreshing, kahit mainit, mahangin naman at madami namang puno kaya madaming lilom na lugar. Studying in the same school in not that bad though. Same school pero ibang iba ang environment duon sa campus ng Senior High. Salita ng salita si Vela sa tabi ko pero hindi ko na mainitindihan ang sinasabi nya dahil nakatingin na ako sa ulap sa taas. Ang ganda ng clouds ngayon, halos maharangan ang araw kaya hindi ganun kainit.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami at nalipat ang tingin ko sa harapan kung saan may tumatakbong lalaki papunta sa direksyon namin. Nag b'bounce ang buhok nyang mukang basang basa na sa pawis. Nung malapit na sya ay bumagal na ang takbo nya, may hawak syang towel, nagpupunas ng batok habang naglalakad na palapit. Lumipat ang mga mata nya mula kay Vela papuntasa akin. Nag tama tuloy ang mga tingin namin. Biglang lumalim ang mga mata nya sa pag kakatitig, animoy sinusuri ang buong pag katao ko sa kanyang titig. Bumaba tuloy ang titig ko mula sa mga mata nya papunta sa katawan nya, sa damit nyang basing basa ng pawis na halos dumikit na ang damit sa balat nya. Kita ko roon ang hubog ng dibdib nya, ng mga braso nya. Napaangat ulit ang tingin ko at nakitang nakataas na ang sulok ng labi nyang nakatitig parin sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya. I mentally face falmed. Did I just check him out? Napaiwas tuloy ako ng tingin. Mabuti nalamang at nag salita si Vela kaya naputol ang malalaim na titig nya sa akin.
"kuya, nag lunch kanaba? Nag dala kasi ako ng lunch baka hindi kapa kumakain." Inabot na ni Vela yung pagkain sa kanya at tinanggap naman iyon nung lalaki.
"Thankyou, have you eaten?" he asked Vela bago lumipat muli ang tingin nya sa akin na parang ako ang tinatanong. Iniiwas ko ang tingin ko. Hindi ko gusto ang mga titig na iyon. Hindi ako kumportbale. Oo at gwapo sya pero baka akala nya type ko sya? No. he's far from my type of guy.
"Yes kuya, sya nga pala kasabay ko mag lunch. Classmate ko rin sya!" masiglang sabi ni Vela. "Kapatid sya ni kuya Glen and kuya Severo!" dugtong pa nya. Muling umangat ang labi nya.
"I am Raven Vasquez" nag lahad pa sya ng kamay na ikina kunot ng noo ko ata alam kong napansin nyan iyon. "You are?" tanong nya ulit dahil mukang alam nyang hindi ako mag papakilala. Ayoko namang bastusin sya sa harap ni Vela na kapatid nya pamandin. I accepted his hand.
"Syclla" maikling sagot ko bago bitawan ang kamay nya. He turned his gaze on his sister and said thankyou again bago nag paalam na babalik na sya sa practice. Hindi ko na alam kung tiningnan nya pa ba ako dahil yumuko nalang talaga ako o di kaya ay ibabaling sa ibang bagay ang atensyon, wag lang sa mga mata nya.
"Tara na Vela." Maikli kong sabi at naglakad na ulit kami. Yakap ko ang mga libro kong binili ko sa bookstore kahapon. Required tong mga books na ito sa unang taon namin sa Nursing.
Nakatungo lang ako habang nag lalakad dahil naubos ata yung energy ko sa pakikipag titigan duon sa Raven na iyon. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at napaangat ng tingin kay Vela na nakatigil narin ng hawakan nya ang braso ko. Napalipat tuloy ang tingin ko sa direksyon ng tinitingnan nya. Makakasalubong pala namin ang sa tingin ko'y fourth year ng Nursing. Naka suot ng stocking na puti ang mga babae at white shoes, lampas tuhod ang uniform na bistidang puting puti, ang mga lalake naman ay naka white shoes at naka suot ng uniform ng animoy nurse na talaga. Nakaka agaw pansin sila sa mga dumadaan dahil parang ang linis linis at fresh nilang tingnan.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, malapit na sila sa amin at naka harang pa kami sa daan. Tatabi na sana kami para makadaan sila ng tumigil ang isa sa kanila sa harap namin at napatigil narin silang lahat. Anim yata ang lalaki at lima iyong babae.
"Hi? First year?" one of the girls ask us with a warm smile. Mukang mababait naman sila. Sabay pa kaming napatango kaya nagtawanan tuloy sila. "ang cute nyo" tawa pa ng isang bababe.
"Good afternoon po pala, galing po kayong duty?" Vela asked.
"Goodafternoon din, ah oo. Kakagaling lang namin Hospital. Kayo? Wala ba kayong klase?" yung nag 'hi' sa amin ang sumagot at nagtanong. "Mamaya pa po... ah by the way, ako po si Vela Vasquez, ito naman po si Syclla Sandoval." Ngumiti kami parehas at hindi na nailahad ang kamay sa sobrang kaba. Bakit ganito?
Isa isa rin silang nag pakilala at sila na ang nag lahad ng kamay kaya naman nakipag kamay narin kami. Nakakatuwa naman, mababait sila lahat pati yung mga lalaki.
"...and wait, kulang kami ng isa." Nagtatakang napagala ng tingin si ate May sa mga kasama nya.
"Nasaan si Devin?" tanong nya ulit sa mga kasama nya. "ah, nasa library. May hihiramin lang raw sya kaya mauna natayo sa lab." Sagot nung nag pakilala kaninang si kuya Jed.
Humarap ulit sa amin si ate May, "Well anyway, yung isa pala na wala dito ay si Devin... Devin De Vera Lapeña." Ngumiti ulit sya.
"Well, Nice meeting you. See you around." Si ate Clea at nag paalam na sila sa amin dahil my aasikasuhin pa raw sila.










