Sa Panulat ni Wildflower10
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPPP..... ang gumimbal sa paligid ng junction ng caldon. Ilang minuto pa'y dumating ako sa bahay nila bestfriend Chad tulala at patuloy sa pagluha...
--------------------- ",) -------------------------------
------- Andrews POV--------
Naka-ilang katok na din ako sa bahay nila Chad at walang sumasagot, ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Vic ang nakababatang kapatid ni Chad galing sa bayan.
Vic: Kuya Andrew kanina ka pa ba dyan? Bakit parang ndi ka mapakali?
Oo, may nangyari kasi Vic, nasaan si tita Monique? -Andrew
Vic: Ang alam ko ay nakila lola Angeling si mama kasi malapit na rin ang kaarawan nito kaya pinapunta doon si mama sa bahay nila. Bakit ano bang nangyari kuya Andrew?
Mamaya na lang Vic, ihanda mo ang ilang gamit ng kuya Chad mo at dadaanan ko pagkasundo ko kay tita Monique. -Andrew
Vic: Sige kuya Andrew.
Agad naman akong sumakay sa aking kotse at dumiretso sa bahay ng lola ni Chad para sunduin si tita Monique subalit wala rin sila tita Monique sa mismong bahay ng lola ni Chad kayat naghintay pa rin ako ng ilang minuto para sabihin ang masamang balita. Ilang sandaliy dumating si Imboy ang pinsan ni Chad sya ang unang kamag-anak ni Chad na nakaalam ng pangyayari.
Imboy: Hoy tol Andrew kelan ka pa dumating kasama mo ba si insan Chad?
Kaninang tanghali lang ako dumating, ndi ko kasama si Chad tol imboy kaso pupuntahan namin siya kaya hinihintay ko si tita Monique dito. -Andrew
Imboy: Tol pauwi na rin sila magkakasama kami sa bayan kanina namili kami ng panghanda sa b-day ni lola sa bayan. Kaso traffic pa rin sa juction kaya baka naipit lang iyong mga iyon kaya wala pa dito.
Oo tol imboy may aksidente sa juction (at napahagulhol na rin ako sa pagiyak) -Andrew
Imboy: Bakit tol? Anong problema bakit ka umiiyak?
Tol si Chad ang naaksidente sa juction, siya ang sakay sa tricycle na nabundol nung truck. -Andrew
Imboy: Ha? Tol wag kang magbiro ng ganyan.
Tol ndi ako nagbibiro kaya nga andito ako para sunduin at sabihin ang masamang balita kay tita Monique. -Andrew
Maging si tol Imboy ay lumuluha na rin ng sandaling naguusap kami, hanggang sa may huminto sa tapat namin na isang pampasadang jeepney at bumaba na nga doon sila lola Angeling, tita Monique, tita Aneth at ilang pinsan ni Chad.
Imboy: Tol, andiyan na sila tita Monique.
Oo, saglit lang tol kailangan ko ng lakas para masabi sa kanila ang nangyari kay bestfriend Chad. -Andrew
Hinintay ko muna silang makapasok sa loob ng bahay ng lola ni Chad at sumunod na rin kami sa pagpasok ni tol Imboy.
Tita monique: Oh Andrew kailan ka pa nakabalik? Nagkita na ba kayo ni Chad?
Tita kanina lang po tanghali, opo tita. -Andrew
Tita Aneth: Hay naku grabeh yong aksidente sa junction parang hindi bubuhayin yong sakay sa tricycle (bulalas ni tita aneth)
At bigla na lang akong napahagulhol sa pagiyak, ndi ko mapigilan ang aking pakiramdam.
Tita Monique: Andrew, may problema ba bakit bigla kang umiiyak diyan?
Tita Aneth: Imboy ikuha mo nga ng isang basong tubig itong si Andrew ikaw din bigla ka na lang umiyak diyan.
Ilang sandali'y inabot na rin sa akin ni Imboy ang isang basong tubig isang lagok at napawi ang aking paghikbi at dahan dahan kong sinabi ang masamang balita sa kanila.
Tita Monique wag po kayo mabibigla sa sasabihin ko. -Andrew
Tita Monique: Ano ba iyan iho? Kinakabahan ako sa nangyayari sayo sabihin mo na.
Iyong aksidente po sa junction, (bigla na namang pumatak ang aking mga luha) -Andrew
Tita Aneth: Anong meron? Sabihin mo na iho.
Imboy: Tita si insan Chad daw po ang sakay sa tricycle na na-aksidente sa junction.
Isang sigaw at malakas na paghagulhol ng pagiyak ang narinig ko kay tita Monique ang lola naman ni Chad ay biglang nahimatay ng sabihin ni tol Imboy ang masamang balita. Nagkagulo na kami ng sandaling iyon, tulala ako sa bilis ng pangyayari agad naman binuhat ng mga pinsan ni Chad ang kanilang lola at mabilis na dinala palabas.
Tol imboy sa kotse ko na lang isakay ang lola niyo, tita Monique dito na po kayo sa unahan maupo. Ako na po ang magdadala sa inyo sa hospital. -Andrew
Imboy: Sige tol Andrew,
Tita Aneth: Kuya ricky ikuha niyo ang inay ng gamit at isunod niyo sa hospital.
Sa doctors hospital niyo na po isunod andon din po si bestfriend Chad paki-daanan na rin po iyong mga gamit na pinahanda ko kay Vic. -Andrew
Tito Ricky: Sige hijo..
Limang minuto din naming tinahak ang daan papunta sa hospital sa bilis ng aking patakbo sa kotse ang impossible ay naging possible. Agad namang umalalay sa amin ang staff ng hospital at ipinasok na si lola Angeling sa loob para masuri ng espesyalista. Sila tita Aneth at Imboy ang naiwan sa lola ni Chad at kami naman ni tita Monique ang dumiretso sa emergency room. Balisa pa rin si tita Monique ng dumating kami sa emergency room andon sila tol M. Anthony at tol Dante.
Tol Dante: Tita Monique okay na po si Chad ililipat na po siya sa Intensive Care Unit.
Andrew: Anong balita mga tol anong sabi ng doctor?
M. Anthony: No major injury, yan ang dapat nating ipagpasalamat pero madami pang kailangang examination. Still unconscious si bestfriend kaya sa ICU sya pansamanatala.
Tita Monique: Ano bang nangyari? Pano naaksidente ang anak ko?
M. Anthony: Susunduin po sana namin si Chad sa sementeryo kung saan nakalibing si Ian kaso ndi na po namin naabutan doon si Chad. Ang sabi ng mga nakakita sa pangyayari ay mabilis po ang takbo ng tricycle maging ang truck na bumangga sa sinasakyan ni Chad.
Tol Dante: Sabi po ng imbestigador walang preno ang truck kaya sumalpok sa tricycle.
Tol nasaan na si Daniel? -Andrew
Tol Dante: Andiyan lang kanina sa labas ndi ko pa rin makausap ng matino, tulala pa rin siya.
Tita Monique: Mabuti naman, tawagan ko na lang si pareng Nelson para siya na ang magasikaso sa kaso ni Chad.
Tol Dante: Wag niyo na po intindihin ang imbestigasyon sa kaso nakatutok na rin po ang abogado namin at naitawag na rin po ni mommy sa contacts niya sa PNP.
Tita Monique: Salamat hijo, palage na lang namin kayo naaabala.
M. Anthony: Tita Monique pamilya na rin po namin kayo, wala po iyon!
Tita Monique: Di ba katatapos lang ng kasal mo Mark Anthony? Ndi man lang kayo nakapag-honeymoon ng asawa mo.
M. Anthony: Okay lang po iyon tita Monique may laman na naman po ang tiyan ni misis kaya okay lang kahit walang honeymoon at mas importante naman po ang buhay ni bestfriend Chad.
Tol Dante: Papunta na rin po sila mommy at daddy dito sa hospital dumaan pa po kasi sila sa supplier nila.
Tita Monique: Pwede ko ba kayo maiwan saglit? Sasaglit lang ako kay Inay?
Imboy: Mga tol kamusta na? Anong balita kay insan Chad? Kamusta siya?
Tita Monique: Imboy kamusta na ang lola mo? Bakit iniwan mo ang tita Aneth mo?
Imboy: Tita Monique okay na po ang lola tumaas lang daw po ang blood pressure, pero i-confine na daw po kahit overnight kasi until now ndi po stable blood pressure niya.
Ikaw kasi tol bigla bigla mo na lang sinabi ndi mo man lang inalala si lola Angeling alam mo namang matanda na siya. -Andrew
Imboy: Sorry tol, nabigla lang kasi ako kaya nasabi ko.
Tita Monique: Dahil na rin siguro sa pagod kaya nagkaganoon ang inay. Dito muna kayo sisilipin ko lang ang kondisyon ng inay.
Tol Dante: Sige po tita Monique kami na po muna dito ang magbabantay kay Chad.
Ilang oras pa ang lumipas dumating na rin ang ilang mga kamag-anak ni bestfriend Chad at ang mga magulang nila tol Dante at M. Anthony. Si bestfriend Chad naman ay nailabas na sa ER at kasalukuyang nasa ICU halos natapos na rin ang ilang Laboratory test na ginawa sa katawan ni bestfriend Chad at hinihintay na lang namin ang sasabihin ng doctor na in-charge kay bestfriend Chad.
Imboy: Mga tol may dapat ba akong malaman?
Tungkol saan tol? -Andrew
Imboy: Bakit umuwi si insan Chad? Bakit ndi ako maharap ni insan Daniel? Kanina ko pa siya kinakausap sa labas pero ndi niya ako maharap. May nangyari ba?
Nalaman kasi ng pinsan mo na niloloko siya ni Daniel. -Andrew
Imboy: Sige saglit lang diyan muna kayo papunta lang ako sa kwarto ni lola.
Sa kabila ng aming paguusap ay wala kaming kamalay-malay na nagkakagulo na pala sa labas ng hospital halos mabugbog ni tol Imboy si Daniel
------------------Imboy's POV----------------
Pagka-alis ko sa aming kinakaupuan sa hallway ng hospital ay agad naman akong bumaba para hanapin si Daniel, nakita ko siyang nakaupo sa parking space kung saan nakahinto ang kanyang sasakyan. Agad ko siyang nilapitan at isang suntok ang lumapat sa kanyang mukha.
Tang-ina Daniel, pinsan na rin ang turing namin sayo tapos ngayon malalaman kong ginagago mo pala ang pinsan namin. Nasaan na iyong pangako mo samin na ndi mo sasaktan ang pinsan ko? -Imboy
Ndi naman sumagot si Daniel ng mga sandaling iyon kayat muli ko siyang sinuntok sa mukha, tanging galit ang nangibabaw sa akin at pagsalag na lang ang nagawa ni Daniel ng mga sandaling iyon. Ilang suntok, sipa rin ang aking naibigay sa kanya hanggang sa may pumito na sa amin, mga security personnel ng hospital. Agad nila akong inawat sa pagsuntok sa nakahigang katawan ni Daniel.
Patuloy pa rin ako sa pagpalag sa pag-awat ng mga security personnel ng hospital at agad naman akong binitbit ng mga ito at si Daniel naman ay inalalayang pumasok sa loob ng hospital ng mga nurse para lapatan ng pangunang lunas dahil sa pagdurugo ng labi at ang kilay nito.
Kumalma lang ako ng dumating na rin sila tol M. Anthony at Dante,
----------End of Imboy's POV----------
Tol Dante: Chief ako na bahala sa kasama namin.
Security Guard: Dito lang iyang kasama niyo nasa loob pa ang binugbog niya tumawag na rin kami ng pulis.
Dapat lang mabugbog yang si Daniel gago siya. -Imboy
M. Anthony: Ayan na ang mga pulis bibitbitin ka na tol Imboy.
Tol tulungan nyo naman ako. Ayoko makulong. -Imboy
M. Anthony: Abah ikaw ang bumugbog ah bahala ka na dyan tol.
Pulis: Nasaan na yong nabugbog at nambugbog?
Security guard: Ito chief, pero yong nabugbog andon sa loob kunan niyo na muna ng reklamo kami na bahala dito.
Tol Dante: Relax ka lang tol Imboy ndi ka niyan bibitbitin. Naitawag ko na sa chief nila at walang reklamo sayo.
M. Anthony: Kabado ka noh? Takot ka naman pala makulong ang lakas ng loob mo mang-bugbog.
Pasensya na kayo mga tol ndi ko lang napigil ang init ng ulo ko dahil binalewala ni Daniel ang pangako niya samin. Itinuring pa naman namin siya na parang pinsan. -Imboy
M. Anthony: Parang kapatid na rin namin iyang si Daniel dahil mahal siya ni bestfriend Chad pero ginago pa rin niya si Chad.
Alam na ba ni insan Bodie na naaksidente si insan Chad? -Imboy
M. Anthony: Oo tol, kaso ndi siya makakaluwas dahil andito pa kami siya rin ang nagaasikaso ng naiwang negosyo ng pinsan mo.
Ganun ba? Pwede ba na sa inyo muna ako sa Manila? Ndi rin kasi ako makakapasok ngayong darating na semester eh. -Imboy
M. Anthony: Oo naman tol, para merong makatulong si tol Bodie madami na din kasi na-order sa kanila.
Tol Dante: Good idea tol, dahil baka andito rin kami sa Caldon habang nasa hospital si Chad.
Bakit magtatagal pa ba dito sa hospital si insan Chad? -Imboy
Pulis: Pakawalan mo na yan ndi nagreklamo yong nabugbog kaya ndi namin pwede dalhin iyan sa presinto.
Tol Dante: Sabi ko naman sa inyo ndi magrereklamo yong ungas na iyon eh. Chief salamat pasensya na sa abala.
Oh mga kuya pakawalan niyo na ako. -Imboy
Security Guard: Wag ka na manggugulo sa loob
Hindi na boss paalis na din yong gago, yong binugbog ko ang wag niyo hayaang pagala-gala dito sa hospital. -Imboy
Tol Dante: Ikaw talaga tol puro ka kalokohan. Mamaya kakausapin ko si tol Daniel
Tol pano niyo pala nalaman ang pagluluko ni Daniel? -Imboy
M. Anthony: Nagkausap kami ni bestfriend Chad tungkol sa nalaman kong kalokohan ni Daniel sa camfrog akala ko alam na rin niya yong mga pinaggagawa ni Daniel. Kaya kinabukasan umuwi na din kami agad sa bahay pero pagdating namin ay wala na rin sila Andrew at bestfriend Chad. Tanging note na lang niya ang inabutan ko sa pintuan ng aming refrigerator na kailangan daw niya ng oras at lugar para mabawasan ang bigat ng kanyang pakiramdam.
Tol Dante: Kung ndi ko pa inusisa ang itinawag ni baby Chad kay tol M. Anthony noong gabi ndi ko malalaman ang mga kalokohan ni Daniel.
-------------Tol DANTE's POV------------
Pasado alas nuebe ng umaga ng magpasya kaming umuwi sa aming bahay sa Maynila, sila mommy at daddy naman ang naiwan sa resort para mag-asikaso sa mga bisita na taga Caldon, pagdating namin sa bahay ay tanging ang aming kasambahay lang ang aming inabutan. Sa paguusisa ko sa aming kasambahay ay madaling araw pa lang ay nagpaalam na si Chad na uuwi sa Caldon. At sa iniwang note ni baby Chad kay tol M. Anthony ay kinabahan ako sa mga nangyari ramdam kong may mali kayat nagusap kami ng masinsinan ni tol M. Anthony sa aming garahe.
Tol may nasabi ba sayo si baby Chad? -Dante
M. Anthony: Tol wala naman nabanggit sakin si bestfriend Chad kagabi, tumawag lang siya sa akin hinahanap yong portable drive niya sakin.
Bakit kaya? anong meron sa portable drive para umuwi pa siya mula sa Antipolo pabalik dito sa Maynila? At bigla bigla na lang siyang umuwi sa atin sa Caldon ng walang paalam? -Dante
M. Anthony: Ndi ko alam tol, kung anong meron sa portable drive niya.
Nasaan na yong portable drive? -Dante
M. Anthony: Baka na kay Chad na tingnan natin sa kwarto niya.
Agad naman kaming umakyat sa kwarto ni Chad para magusisa sa mga pwedeng sumagot sa aming mga tanong ng sandaling iyon. Dahil ndi naman namin makakausap si baby Chad sapagkat naiwan niya ang kanyang cellphone sa salas.
M. Anthony: Ito yong portable drive naka-kabit pa sa laptop ni bestfriend Chad.
Buksan mo na tol para matingnan natin ang laman ng poratble drive na yan. -Dante
M. Anthony: personal files lang naman niya, movies at songs ang laman niyang portable drive na yan.
Eh bakit uuwi ng biglaan si baby Chad ng Caldon kung yon lang ang laman niyan? -Dante
M. Anthony: May pasword pa ang laptop nya..
Sa kwarto ko na lang natin iyan tingnan. -Dante
Agad naman naming dinala ang portable drive sa kwarto at doon sa laptop ko namin binuksan kung anung mga files ang nilalaman nito. Halos isang oras din kaming nagbutingting sa lahat ng files na meron sa portable ni baby Chad hanggang sa mapansin ko ang isang folder na Samut sari ang name.
Itong Samut sari ano bang laman niya, buksan mo nga. -Dante
Agad namang nagplay ang video clips na naka-save sa portable drive ni baby Chad, tama nga ang kutob ko na merong ginagawang kalokohan si Daniel matapos naming mapanood ni tol M. Anthony ang mga videos na nakasave sa portable drive ay agad ko namang pinatay ang aking laptop at itinabi ang portable drive ni Chad sa aking cabinet at akoy mabilis na nagbihis.
M. Anthony: Tol pasaan ka?
Pupuntahan ko si Daniel. -Dante
M. Anthony: Sasama ako.
Dante: Magbihis ka na, magpapaalam lang ako sa ate mo.
Pagbaba ko sa salas ay andon ang aking asawa kasama ang aking anak.
Dante: Hon sasaglit lang kami kay Daniel ha.
Cynthia: Cge hon, magiingat kayo ni M. Anthony.
M. Anthony: Oo naman ate kami pa, tol Bodie kaw muna bahala dito sa bahay ha. Parating na din naman sila mommy at daddy.
Mabilis naman kaming nakarating sa unit nila Daniel dahil nagmotor na lang kami ni tol M. Anthony papunta doon. Agad kaming nagtungo sa unit nila tol Daniel. Tanging si tol Raymond lang ang inabutan namin sa condominium nila.
Tol Raymond nasaan si Daniel? -Dante
Raymond: Tol umuwi sa Caldon kakausapin daw si Chad.
Kalmado lang ako ng mga sandaling iyon pinipilit kong labanan ang aking galit subalit si utol ay ndi na napigil ang kanyang damdamin kaya mabilis pa sa alas cinco ang kanyang pagsugod kay Raymond. Ilang suntok na rin ang nabitawan ng dalawa para sa isat-isa, ako naman ay umaawat lang sa dalawa. Sa aking pagawat sa kanilang dalaway nasuntok ako ni Raymond wala na akong nagawa kaya pinagtulungan na namin ni utol si Raymond halos lantang gulay naman si Raymond makalipas ang ilang suntok na natamo niya sa amin.
Raymond: Anong problema niyo?
M. Anthony: Kunwari wala kang alam? Gago ka tol, parang kapatid na ang turing namin sa inyo ni Daniel pero pati si Chad ginago niyo.
Raymond: Ano bang pinagsasabi mo?
Raymond wag ka ng magkunwaring wala kang alam diyan napanood ko na yong mga sex videos niyo ni Daniel at kung sinu-sino pa na mga lalake ang kasama niyo. Mga gago kayo pati si baby Chad niloko niyo. Kapag may mangyari kay baby Chad kilala niyo ako magtago-tago na kayo. Kung alam ko lang na ganyan ang tunay niyong pagkatao di sana ndi na namin kayo tinulungan noon. Akala namin matino kayo pero mga demonyo pala kayo. -Dante
M. Anthony: Nagsisisi ako noong araw na nagkakilala tayo at naging kaibigan namin kayo. Magkalimutan na tayo ndi ko kailangan ng ganitong klaseng kaibigan. Salamat sa ilang taon na pinagsamahan natin na sinayang niyo lang.
Tol, tara na uuwi tayo ng Caldon baka kung anung mangyari kay Chad kung andon din sa Caldon si Daniel. -Dante
Mabilis kaming umuwi sa aming bahay, pagdating namin ay kumain lang kami ng tanghalian at nagpaalam na kaming dalawa na sasaglit lang sa Caldon para siguraduhin ang kaligtasan ni Chad ndi naman ako nahirapang kumbinsihin si Cynthia dahil alam niyang importante sa akin si Chad. Si utol man ay ndi pinayagan ni Danica subalit wala ng nagawa pa si Danica dahil nagpumilit si utol na sumama sa akin pagbalik sa Caldon.
Cynthia: Hon magingat kayo sa pagmamaneho ako na ang magsasabi kila mommy at daddy na umuwi kayo sa Caldon.
Hon paguwi ko na tayo magusap ha, Importante lang na umuwi kami sa Caldon. -Dante
Cynthia: Cge hon, ikamusta mo na lang ako kay Chad. Sabihin mo umuwi na siya dito sa bahay miss na siya ng baby natin.
Sige hon. -Dante
At binaybay namin ang daan pabalik ng Caldon, si utol naman ang tumawag sa bahay nila Chad para makibalita.
M. Anthony: Tol wala daw si bestfriend Chad sa bahay nila, ndi pa daw umuuwi sa kanila. Saglit na saglit lang daw si bestfriend sa bahay nila nung dumating ito sa Caldon kahapon ng umaga, yon ang sabi sa akin ni Vic.
Saan naman kaya nagpunta iyon? -Dante
M. Anthony: Sumaglit tayo sa bahay nila Ian o kaya sa sementeryo kung saan nakalibing si Ian don lang siya napunta kapag merong problema.
Sige pagdating natin sa laguna magpalit na tayo ikaw na magmaneho papuntang Caldon ikaw naman ang may alam ng daan patungo sa lugar na sinasabi mo. -Dante
M. Anthony: Oh sige tol.
Ilang oras din naming binaybay ang daan pauwi sa Caldon alas cinco na ng makarating kami dahil sa gutom ay dumaan pa kami sa isang fastfood sa mismong bayan nila Ian.
Tawagan mo nga si tol Andrew baka andito na rin siya? -Dante
M. Anthony: Magkatext na kami dumaan pa siya don sa bahay nung Nico college friend nila kasi don daw nag-stay si Chad pero papunta na rin daw siya dito dahil may naghatid daw na isang kaibigan nakamotor.
Mabuti kung ganun, i-order mo na rin si Andrew ng pagkain niya para kung sakaling dumating i-take out na lang natin. -Dante
M. Anthony: Sige tol, ano ba gusto mo?
Kahit ano, ikaw na ang bahala wag mo kalimutan yong paborito ni baby chad. Siguradong gutom na rin yon. -Dante
M. Anthony: Oo naman, siya pa makalimutan kong i-order ng pagkain niya.
Ilang sandali pa habang nakapila si utol sa counter ay dumating na rin si Andrew.
Andrew: Tol pasensya na ngayon lng ako nakarating may dinaanan pa kasi ako.
Okay lang nakapila pa naman si utol sa counter, upo ka muna diyan at didiretso na tayo sa sementeryo. Anong balita sa pinuntahan mo? -Dante
Andrew: Ndi ko na inabutan si bestfriend Chad sa bahay nila Nico kanina pa daw umalis si bestfriend Chad kasama si Kenneth college friend niya.
Iyang Kenneth ba na yan ay naging karelasyon ni Chad? -Dante
Andrew: Ndi naman nabanggit ni bestfriend Chad na may relasyon sila alam ko'y kaibigan ni bestfriend Chad since first year college.
Mabuti naman kung ganun. -Dante
M. Anthony: Oh tol Andrew, andiyan ka na pala.
Andrew: Oo tol, kanina ko pa nga hinahanap si Chad tanghalian pa lang binaybay ko na lahat ng kaibigan namin na pwede niyang puntahan.
M. Anthony: Oh ito meryenda oh,
Andrew: Oh siya bitbitin ko na iyan sa kotse ko na kakainin baka abutin pa tayo ng traffic baka magkasali pa tayo nila bestfriend Chad.
Siya tara na sunod ka na lang sa kotse namin. -Dante
Andrew: Sige tol,
Agad naman kaming umalis at sumakay na sa kanya-kanyang sasakyan,tinahak na namin ang daan papunta sa sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ni Ian.
Grabeh naman ang traffic wala na ba pwede madaanan? -Dante
M. Anthony: Ito lang ang alam ko na daan papunta sa sementeryo utol.
Halos inabot kami ng isang oras bago nakalampas sa mabigat na traffic, makalampas naman ay naging mabilis na ang aming naging byahe kayat pagdating namin sa mausoleum ni Ian sarado na ito buhay pa ang kandila at may mga bagong bulaklak na tanda na merong dumalaw doon.
Andrew: Mukhang galing nga dito si bestfriend Chad mabuti pay umuwi na rin tayo sa kanila baka doon siya umuwi ngayon. Dahil sabi ni Nico sa akin ay uuwi na sa Manila si bestfriend Chad.
Tara na, tawagan muna si Vic sabihan mong itawag sa atin kapag andon na si Chad at wag na niyang paalisin dahil papunta na rin tayo doon. Ako na magmaneho ng kotse. -Dante
M. Anthony: Cge tol
Andrew: Sumunod na kayo sa akin may alam akong daan para sa junction na tayo lalabas wala pang mabigat na traffic ang sasagabal satin.
Sige tol, mauna ka na susunod na ako sayo. -Dante
Agad naman naming tinahak ang daan pabalik sa bahay nila Chad habang si utol naman ay kausap si Vic kasalukuyang nakasakay pa naman si Vic pauwi sa Bahay nila.
Oh tol anong sabi ni Vic? -Dante
M. Anthony: Tol traffic pa daw sa junction kaya ndi pa makalampas ang sinasakyan niyang jeep.
Ah ganun ba? Naku traffic pala sa junction eh, tawagan mo si Andrew baka may alam siyang daan na ndi na tayo dadaan sa junction? -Dante
M. Anthony: Naku tol wala na, talagang sa junction pa ang daan natin, malayo naman kung iikot pa tayo sa atin para dumaan sa bypass road.
Traffic din sa centro kapag ganitong oras. Tanungin mo si manong kung anong dahilan ng traffic? -Dante
l
M. Anthony: Manong anong meron bakit sobrang traffic?
Manong: Naku mahihirapan kayong makalagpas may aksidente may truck na nawalan ng preno at sumalpok sa isang tricycle. Mukhang patay nga yong driver ng tricycle, yong pasahero mukhang ndi rin bubuhayin.
Wala bang pulis sa junction at ndi inaayos yong traffic? -Dante
M. Anthony: Wala namang pulis sa junction malamang nagaabang yong mga yon ng mga trucker para mangotong.
Siya itawag mo na sa ninong mo sabihin mo papuntahan ng tao niya iyong aksidente. Wala talagang nagagawa ang hepe ng pulisya dito sa Caldon eh. -Dante
M. Anthony: Saan ka pupunta kuya?
Lalabas saglit sisilipin ko kung anung nangyayari. -Dante
At lumabas nga ako ng aming sasakyan, anim na sasakyan din ang nasa aming harapan kasama ang kotse ni tol Andrew halos malapit na kami sa junction ng mga sandaling iyon sa aking pagtatanong wala pang labinlimang minuto ang pangyayari nakabalandra ang truck sa tatlong lane ng kalsada kahit na malawak itoy ndi makausad ang mga sasakyan dahil sa kabilang lane naman ang yupi-yuping tricycle. Nakabalandra sa gitna ng kalsada ang dalawang walang malay na katawan ng lalake ang isay duguan at ang isa naman ay nakadapa walang bakas ng dugo sa kanyang kasuotan. Sa paguusisa ko dahil sa wala namang kumikibo man lang para tumulong sa mga biktima ay agad naman akong lumapit sa unang biktima wala na itong pulso ng mga sandaling iyon, patuloy na umaagos ang dugo nito sa kalsada. At dumating na ang mga pulis para magimbestiga ang ilan naman ay kakilala ko,
Pulis: Oh Dante anong ginagawa mo dito?
Bok tumutulong lang ako kasi wala pang ambulansya na dumadating yong isa wala ng pulso pero yong isa ndi ko pa na-che-check kung may pulso pa ba. -Dante
Pulis: S
ige itatawag ko na sa hospital ang insidente para magpadala sila ng ambulansya.
Sa paglapit ko sa sa pangalwang biktima agad kong hinawakan ang leeg nito may pulso pa kayat agad kong tinawag ang isang pulis para alalayan ako sa pagtihaya sa biktima laking gulat ko at halos magunaw ang mga sandaling iyon ng buhay ko. Sobrang panlalambot ng aking mga tuhod at mabilis na pagpatak ng aking mga luha at malakas na pagtangis sa pighating aking nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Chaaaaaddddddd...... Malakas kong sigaw agad naman akong inalalayan ng ilang pulis na nasa crime scene
Bok palusutin mo iyong sasakyan namin andon sa kabilang side, kami na ang magdadala sa hospital dito sa kaibigan ko, ndi ko na mahihintay pa ang ambulansya baka mamatay lang ang kaibigan ko bago pa sila makalampas sa haba ng traffic. -Dante
Pulis: Sige bok
Pang pitong sasakyan kulay asul. -Dante
Dahil bihasa ako sa training sa Red Cross para sa ganitong aksidente ay maingat kong inalalayan ang katawan ni baby Chad, bukod sa sugat nito sa kanyang dalawang braso at gasgas sa mukha ay wala na akong napansin na pinsala sa katawan nito. Pagdating ng aming sasakyan ay dahan dahan kong binuhat ang katawan ni Chad para maihiga ko sa back seat ng aming sasakyan katulong si Andrew at ilang pulis para maihiga namin ng maayos sa loob ng kotse.
Tol Andrew sumunod ka sa sasakyan namin tapos dumiretso ka na sa bahay nila Chad ikaw na ang magbalita kay tita Monique sa aksidente, sa United Doctors kayo sumunod doon na namin dadalhin si baby Chad. Bok paki-ayos naman ng nakabalandrang mga sasakyan para makalabas kami. -Dante
Pulis: Sige bok, pa-assist ko na rin kayo sa mobile namin para makarating agad kayo sa hospital.
Halos sampung minuto kaming bumyahe papunta sa hospital halos paliparin ko na ang aming kotse sa bilis ng aking patakbo. Kayat pagdating namin sa lobby ng hospital ay agad namang tumawag ng assistance si utol sa mga personnel ng hospital.
Sa labas ng ER ay ndi ko pa rin mawari ang nangyari kay baby Chad ndi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng mga sandaling iyon. Tulala at patuloy pa rin ako sa aking pagluha halos isang oras din kami sa labas ng ER ni utol ndi alam ang aming gagawin. Mabuti na lang at duty noon ang aking ninang, isa siyang doctor kaya siya na mismo ang nag-asikaso kay baby Chad kasama ng iba pang espesyalista.
-----------End of Dantes POV---------
M. Anthony: Alam mo tol Imboy ndi ko rin alam ang aking gagawin ng sabihin nung pulis na kaibigan namin yong isa sa biktima sa aksidente sa junction.
Pero noong sabihin ng ninang ko na okay na si baby Chad lumakas na ang loob ko, alam kong fighter ang baby Chad ko lalaban siya para sa buhay niya. -Dante
Imboy: Pero tol kailan nga magkakamalay ang pinsan ko?
Hinihintay pa namin ang resulta ng lahat ng pagsusuri ng doctor siguro bukas malalaman natin ang resulta ng mga examination. -Dante
M. Anthony: Tol, may pasok ka bukas di ba?
Itinawag ko na sa opisina namin ang nangyari pinayagan naman ako ng aming boss na magleave kahit tatlong araw saka na ako magfile ng long vacation 20 days pa naman ang aking leave with pay gagamitin ko yon para maalagaan si baby Chad kung sakali man na magtagal pa siya dito sa hospital. -Dante
M. Anthony: Ako rin ndi na ako magrereview sa center pwede naman ako mag-self review ipapa-email ko na lang kay tol vincent lahat ng notes niya every weekend.
Kakayanin mo ba tol? -Dante
M. Anthony: Oo naman tol October pa naman ang examination namin, ndi pa naman kabuwanan ni Danica kaya walang problema. Tutal andon naman si tol Bodie, ikaw ba tol Imboy kelan mo gustong magsimula sa Manila?
Imboy: Pagkatapos na lang ng tatlong araw na leave mo tol Dante sasama na ako sa Manila, kahit papano makatulong naman ako kay insan Chad kahit sa negosyo nila ni tol Andrew.
Andrew: Mga tol ito ang pagkain, ibinili ko na kayo. Si tita Monique ang nasa loob ng ICU nagbabantay kay bestfriend Chad.
May balita ba? Any update mula sa mga doctor ni Chad? -Dante
Andrew: Wala pa tol. Kumain na muna tayo alam kong pagod na pagod na din kayo at gutom na din.
M. Anthony: Thanks tol.
Matapos ang aming pagkain dumating na rin sila mommy at daddy sa hospital.
Mommy Maricel: Dante anong nangyari kay Chad? Anong update? Nakausap mo ba ang ninang Nimfa mo dito siya nag-duduty.
Opo mommy nagkita na po kami ng ninang Nimfa kanina, wala namang major injury kay baby Chad mommy but he's still unconscious. -Dante
Daddy Edmond: Possible cause is the impact of the accident maaring na-trauma si Chad hintayin na lang natin ang mga resulta ng mga gagawing examinations sa kanya naway walang mga internal damage most especially sa kanyang ulo. Mas magiging delikado.
Wala naman akong napansin na sugat sa ulo ni baby Chad noong buhatin ko daddy. -Dante
Daddy Edmond: Pero ndi natin masasabi hanggat ndi pa nalabas ang CT-scan ni Chad. Let us go to chapel to pray for his fast recovery
Mommy Maricel: Good idea hon, mga iho samahan niyo na kami sa pagdarasal.
Ilang minuto din kami sa loob ng chapel sa Hospital lahat kami'y matiim-tim na nanalangin na pinangunahan ni Mommy Maricel, nawa'y walang masamang mangyari sa aming bunso. Naway iligtas mo po siya sa anumang nakaambang na panganib sa buhay niya. Matapos ang aming panalangin sa chapel ay muli na kaming bumalik sa labas ng ICU. Saktong paglabas naman ni tita Monique ay andon pa sila Mommy at daddy Edmond.
Tita Monique: Maricel, thank you naabala na naman namin kayo.
Mommy Maricel: Ndi mo na kailangang magpasalamat Monique pamilya tayo. Parang anak na rin namin si Chad kaya kung anung pagpro-protekta at pagmamahal ang ibinibigay ko sa mga anak ko ay ganoon din ang ibinibigay ko kay Chad. Bunsong anak ko na rin yang panganay mo Monique. Tumawag na pala sa akin yong abugado namin, bukas na bukas maghahabla tayo ng kaso laban sa driver at operator ng truck na sanhi ng aksidente ni Chad.
Tita Monique: Salamat talaga Maricel,
Daddy Edmond: Wala yon Monique, kami na rin ang bahala sa gastusin sa hospital habang isinasampa pa ng abugado namin ang kaso.
Tita Monique: Nakakahiya na, sobra na Edmond wag kayo magalala pwede ko namang ibenta yong property ng asawa ko para may pangtustos kami sa gastusin dito sa hospital.
Tita Monique, kami na po may kanya kanya naman po kaming ipon may maitutulong naman po ako sa panggastos dito sa hospital kami na po nila mommy at daddy ang bahala sa gastusin dito sa hospital. -Dante
M. Anthony: Mabuti pa po tita Monique umuwi na po muna kayo para magpahinga kami na po ang salitang magbabantay dito kay bestfriend Chad.
Mommy Maricel: Mabuti pa ng Monique tara na ihatid ka na namin sa inyo
Tita Monique: Sige uuwi muna ako tiyak akong naaalala na rin ang aking asawa at mga kapatid ni Chad. M. Anthony, Andrew, Dante at Imboy kayo na muna ang bahala sa anak ko ha anuman ang mangyari itawag niyo agad sa bahay para makapunta agad kami dito kung sakali man.
M. Anthony: Opo tita Monique kami na po ang bahala kay bestfriend Chad.
Mommy Maricel: Papadala na lang ako early morning tomorrow ng pagkain niyo sa driver natin wag na kayo magpadeliver.
Okay mommy thanks! -Dante
At nilisan na nga nila Mommy, daddy at tita Monique ang hospital kaming apat naman ay nanatili na lang sa labas ng ICU may mga upuan naman sa hallway. Regular naman ang pag-monitor ng mga nurse sa kwarto ni bestfriend Chad. Wala pa ring bago, unconscious pa rin si baby Chad. Naging mabilis naman ang paglipas ng mga oras umaga na, dumating na ang pinadalang pagkain ni mommy sa aming driver maaga pa lang ng araw na iyon ay naibalita ko na kay Cynthia ang nangyari kay baby Chad, ramdam ko ang panlulumo niya sa mga pangyayari kung anung reaksyon ko ng mga sandaling nakita kong nakasulagmak sa kalsada ang katawan ni baby Chad ay ganun din ang pakiramdam kong nadama ng aking asawa. Malakas ang kanyang pagiyak habang kausap ko sa kabilang linya ng aking telepono, ilang saglit din ang lumipas ng mapatahan ko siya sa kanyang pagiyak at patuloy pa rin kami sa aming paguusap. Hanggang sa magpaalam na rin ako sa aking mahal na asawa ng mga sandaling iyon.
Ang bawat segundo, minuto at oras ay naging mabilis para sa amin sila mommy at daddy kasama si tita Monique ay naging abala para sa pagaasikaso sa mga kakailanganin sa pagsampa ng kaso sa responsable sa aksidenteng sanhi kung bakit wala pa ring malay tao si baby Chad. Sa pangalwang araw ni baby Chad sa hospital kami ni utol ang salitan sa pagbabantay dahil si tol Andrew ay kasalukyang nagaasikaso sa kanyang eskwelahan dahil nalalapit na rin ang kanilang pasukan. Sa bawat paglipas ng mga oras patuloy ang pagdagsa ng mga bisita, tuloy tuloy ang pagdating ng ilan ay mga naging guro at kamagaaral ni bestfriend Chad noong sekondarya sa CNHS at LNHS. Sumaglit din ang mga kaibigan at mga nakakakilala kay baby Chad noong sya ay nasa kolehiyo pa upang dumaan at magpaabot ng pangungumusta sa lagay ng kanilang kaibigan. Halos mapuno naman ang kapilya ng hospital ng dumating ang mga estudyante at mga guro na nagmula sa unibersidad kung saan nagaral si Chad na kasama ni tol Andrew, sila'y mga naging kapwa lider magaaral gaya ni Chad noong nag-aaral pa ito. Halos dalawang oras din ang inilagi nila sa kapilya ng hospital para maghandog ng mataimtim na panalangin para sa mabilis na paggaling ni baby Chad. Sa kabila ng bigat ng aming pakiramdam ay napagaan naman ito ng labis labis na pagmamahal na nagmula sa mga taong nakakakilala sa aming minamahal na si Chad.
Sumapit na ang tanghali't hanggang hapon ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga taong nagpakita ng pagmamalasakit at suporta, dumating na rin si tol Andrew at ilang pinsan ni baby Chad para humalili sa amin para magbantay kay baby Chad.
Sobrang naging abala kami ni utol sa buong maghapon kabilanan ang pagdating ng mga nangungumusta sa lagay ng aming minamahal na si Chad, napaka-swerte talaga nitong si baby Chad ang daming nagmamahal, ilang baldeng luha na kaya ang umagos sa pasilyo ng hospital na ito simula ng ipasok namin si baby Chad matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya?
Nakakatuwang isiping madami ang mga taong nagpakita ng pagmamahal, pagmamalasakit para sa kanya ng mga sandaling iyon. Sa kabila ng walang patid na pagdating ng mga bisitay maganda naman ang naging resulta ng mga pagsusulit na ginawa sa katawan ni baby Chad. Walang komplikasyon sa internal organs, sa kanyang ulo o sa kahit anong parte ng katawan niya. Isang HIMALA yan ang pagkakasabi ng doctor at ng mga pulis na dumating na nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon sa aksidente, maswerte pa rin si baby Chad dahil sa tinde ng aksidente himalang nabuhay pa siya. Sa totoo lang kahit sino naman ang nakakita sa nangyari sa tricycle na sinasakyan nilay manlulumo sa makikita sa sobrang lakas ng impact ng banggaan parang niyuping lata ang tricycle maging ang van na nakaparada kung saan sumalpok rin ang truck na sanhi ng malagim na aksidente. Mabuti at ito lang ang tinamo ni baby Chad at sa ngayon walang nakakaalam maging ang doctor kung kailan magkakaroon ng malay tao ang aming mahal na si Chad. Ang mahalaga ay ligtas na siya sa kapahamakan at sa mga susunod na araw ay maaari na rin naming ilapit sa isang private room si baby Chad.
Mga tol kamusta dito? May bagong update na ba sa lagay ni bestfriend Chad? -Andrew
M. Anthony: Okay naman kami dito tol nakakawala ng pagod ang mga dalang kwento ng madaming taong bumisita para kay bestfriend Chad. Sobrang dami.
Tiyak yan dahil sa unang lingo ng pagsisimula ng aming klase ay magkakaroon kami ng prayer vigil para kay bestfriend Chad at bukas andito ang buong section namin at maging ang organisasyon na kinabibilangan ni bestfriend Chad ay paparito rin. Dadaan sila dito matapos makapag-enrol. Alam na rin ng mga kaibigan ni Chad ang pangyayari kaya sa mga susunod na araw andito rin sila para bumisita. -Andrew
M. Anthony: kamusta naman ang pagaasikaso mo sa school niyo?
Okay na tol, opisina na namin ang bahala may isang lingo pa ako para mag-full time dito sa hospital kaya sana magising na si bestfriend Chad. -Andrew
Dante: Tol walang nakakaalam kung kailan magigising si baby Chad comatose pa rin siya until now ang maganda sa balita na pinaabot sa akin ng mga espesyalista na sumusuri kay baby Chad ay ligtas na ito sa kapahamakan anumang araw ngayong buong lingo ay pwede ng ilipat si baby Chad sa isang pribadong silid.
Mabuti kung ganun, alam na ba nila tita Monique ang magandang balita? -Andrew
M. Anthony: Oo tol, naitawag na namin kanina, makakasama niyo si Vic at papa ni Chad sa pagbabantay dito sa hospital ngayong gabi. Ndi na kasi makakadaan sila mommy at tita Monique dahil maghapon na silang nagasikaso sa kaso ni bestfriend Chad.
Okay lang tol, wala naman masyado ginagawa natutulog naman si bestfriend Chad ndi yan magpapasaway. -Andrew
M. Anthony: Nailabas na rin pala ang lola mo Imboy bakante na yong room niya pero pwede kayo magstay doon if you want dahil doon din naman ililipat si bestfriend Chad, andon na rin ang mga pagkain at mga kakailanganin niyo.
Dante: Oo pwede kayo manood ng TV don kapag wala kayo magawa dito.
Imboy: Okay, pero dito na lang siguro kami sa hallway
Sige mga tol umuwi na muna kayo kailangan niyo rin magpahinga. -Andrew
M. Anthony: Sige mga tol, tumawag na lang kayo anytime kapag may mangyari okay
Sige tol. -Andrew
Ang pangalawang gabi namin sa hospital ay tulad rin ng unang gabing nagdaan, heto kamit nakaupo sa silyang nakahanay sa hallway kasama sila Vic, Imboy at ang papa ni Chad. Samantalang si bestfriend Chad andon pa rin sa loob ng ICU natutulog wala pa ring malay tao. May mga oras na ikinukubli ko ang lungkot at paminsan-minsang pagluha dahil sa kalungkutan dala na marahil ng pangyayaring ito sa aming buhay.
Tol Vic kumain na muna kayo ni tito Jose mauna na kayo pagkatapos niyo ay kami naman ang kakain saka kayo magpahinga ni tito don sa kwarto. Kami na muna ni tol Imboy ang bahala dito ndi naman pwedeng sabay sabay tayong nagpupuyat dito sa pagbabantay kay bestfriend Chad. -Andrew
Vic: Sige kuya Andrew
Matapos maghapunan sila tol Vic at ni tito Jose ay kami naman ni tol Imboy ang kumain matapos ang ilang sandali'y muli kaming bumalik sa upuan kung saan kami namamalagi doon namin nauubos ang mahabang oras sa pagbabantay paminsan-minsan naman ay ang pagsilip sa loob ng silid ni bestfriend. Paulit-ulit na marahil, para na kaming de-susing mga robot sa araw araw na lumipas.
Lumuwas na pabalik sa Manila si tol Dante para muling bumalik sa kanyang trabaho kasama na niya si tol Imboy para sila na ni tol Bodie ang mamamahala sa naiwan naming negosyo sa Manila. Samantalang ang bawat araw naman ay napupuno ng masasayang alaala sa bawat taong aming nakakasalamuha mga taong naging parte ng buhay ni bestfriend Chad. Ang kanilang mga kwento ang tanging saksi kung papano naging isang mabuting kaibigan at estudyante ang aking matalik na kaibigan, tatlo, apat lima, anim at pito isang lingo na pala kami dito sa hospital sa sunod na araw ay pasukan na namin pero si bestfriend Chad heto mahimbing pa rin sa pagtulog, kahit na ligtas na siya sa kapahamakan nanlalambot pa rin ako sa bawat araw na nakikita ko siyang walang malay tao at sa bawat salita sa aking mga kwento sa kanya habang siyay natutulog ay ndi ko mapigil ang pagbagsak ng aking mga luha.
Itutuloy....
Hello guys welcome sa book 2 ng makulay na buhay ni Chad.









salamat at nalipat itong istorya na ito d2 s inkitt , kasi nawala na siya sa wattpad po eh.
gosh, ang tagal ko hinanap to, buti nakita ko ulit.. thank u author!! ❤️
hello author kelan Po kaya ma ko complete tong story naa to