Customize readability
Aa

Ayam Chronicles: SLICE OF LIFE

All Rights Reserved ©

Summary

Pagod ka na ba? Hali ka. Balikan natin iyong pagkabata. Book Cover By LakanMaya

Genre
Humor
Author
LakanMaya
Status
Complete
Chapters
16
Rating
n/a
Age Rating
13+

Chapter 1

LakanMaya: Welcome sa aking nobela. Dahil binasa mo isa ka na sa aking mga sparrow. Salamat sa pagbasa! Sana magustuhan mo at may matutunan ka!

This novel can be read only on Webnovel and Wattpad



Mainit ngunit mahangin, isang magandang araw sa maliit na sitio malapit sa ilog na tinatawag na Caterpillar Site. Sa kalsada maraming dumadaan na sasakyan, araw ng lunes, may pasok mga empleyado at estudyante. May naka-display na street foods sa tabi ng kalsada, ang paborito ng nakararami: turo-turo.

Mausok ang nasa grill: isaw, ulo ng manok, baboy, paa ng manok, at iba pa. Andoon nakatayo sina Rain at Kiel habang hinihintay maluto ang pinaluto nilang isaw. Nakasakay si Kiel sa munting bike ng kaniyang pamangkin, ginamit itong upuan, habang si Rain, ang nakakatanda sa triplets, ay nakatayo lamang tinutulungan ang tindero sa pagpapaypay sa mga tuhog-tuhog. Si Kiel may seryosong mukha sumisipsip ng juice habang nakatitig sa pinapaluto niyang isaw, ayaw niya mapunta sa gilid or masapawan ang isaw niya.

Maya-maya, biglang dumilim ang langit, lahat napatingala. May namumuong itim na ulap sa ibabaw, kasunod noon ang tinig ni Hulyo, ang bunso sa triplets. “Mga paaaareeeeeee!” Nakangisi niyang hiyaw.

Napalingon sina Rain at Kiel sa kaniya. Sa kamay ni Hulyo may nakatagong mystery thing. Masama ang kutob nina Kiel at Rain, kilala nila ang kapatid werdo ito, normal ng konti, at mahilig sa mga insekto.

Nakangiting malapad at tunay si Hulyo, mabilis ang lakad, tila sabik ipakita sa mga kapatid kung ano ang tinatago niya sa palad. Ngunit gawa ng kasabikan hindi niya naisip tumingin sa dinadaanan, natisod siya ng isang bato. “WHAAAAA!” Naihagis niya ang nakatagong nilalang sa kaniyang palad.

Lahat ng tao napanganga, natulala, at tumingala; lumipad ang palakang kulay luntian, umikot ikot ito sa ere. Parang huminto ang lahat sa pagkilos--maging hininga nila, hanggang sa... PLOK! Dumapa ang palaka sa grill.

Nabitawan ni Kiel ang juice, si Rain namilog ang mata. Si Hulyo? Nakadapa pa rin, nakanganga at may namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. “H-hindi... MISTER KAMPYON!”

“Anak ng tokwa!” Napahiyaw ang tindero, nahagis ang pamaypay sa tindi ng gulat.

Tila sumayaw sayaw ang palaka sa grill ilang segundo bago nanigas.

Napatayo si Kiel at sumigaw. “Ang isaw ko!” May mukhang binagsakan ng mundo.

“My friend!” Hiyaw ni Hulyo, mangiyak ngiyak.

“Hulyo! Ano na naman ’to?” Usal ni Rain. Inalis niya sa grill ang palaka at inilagay sa basurahan.

“HOY! HOY!” Sigaw ni Hulyo ng may asong dumukot sa grilled frog at tumakbo palayo. “Palaka ko ’yan! Tangna! Bumalik ka, aso!”

Napailing ang mga kapitbahay. Hindi na bago sa kanila ang ganitong eksena. Simula noong lumipat ang mga Frangipani sa sitio nila marami ng nangyaring kababalaghan. Bukod sa ubod ng kagandahan ang buong pamilya, ubod din sa ka-werdohan. Si Hulyo mahilig sa mga nilalang na hindi dapat gawing domestic pet. Si Kiel mahilig sa musika, palaging nagpapatugtog kahit gabi na, napa-barangay na nga ng kapitbahay sa sobrang ingay. Si Rain, mukhang responsible naman at normal, magaling magluto ngunit may pagkapikonin din.

Ang triplets ay mula kay Mina Frangipani, isang magandang ginang at mukhang hindi tumanda. May maputing kutis, malambot na parang may lotion kahit wala naman. Simpleng mukha ngunit ubod ng ganda, palagi silang laman ng tsismis dahil doon.

Ang panganay naman sa Frangipani ay si Aliya, isang striktang babae, maganda, hindi madaling ligawan, at may nobyong taga Alvarez Empire, LDR or long distance relationship pero in love sa isa’t-isa. May anak na si Aliya, si River; ang may pagkamakulit, limang taong gulang na gusto na magkabigoti at lumaki.

Si Rain naman ay may pamilya na rin, may anak siyang babae, three years old kay Luna; si Lunarae. While si Kiel ay may nobyang doctor, na sabik at patay na patay sa kaniya. Binibigay lahat ng gusto ni Kiel: cellphone, motor, gitara, allowance. Sa magkakapatid si Hulyo ang tanging single.

“Naku. Patay na naman tayo kay Mama Mina nito,” wika ni Rain, napapailing.

“Hulyo, naman!” Anas ni Kiel. “Imbes may konting barka pa ako nawala tuloy dahil sa’yo!” Naiinis niyang pahayag. Binayaran kasi nila ’yong mga tuhog-tuhog--lahat na nasa grill.

Napakamot na lang sa batok si Hulyo. “Sensya na, mga p’re. Don’t worry bawi ako next life--ah! este--next time.”

Napailing sina Kiel at Rain, pero palihim na ngumiti. Kahit werdo si Hulyo ay mahal nila ito, kapatid nila ito, at hindi magbabago ’yon -- kahit magdala pa ng alakdan sa bahay.

“Ingat-ingat din kasi, p’re. Pero... ba’t ka may palaka?” Tanong ni Kiel.

Sumigla ang matamlay na mukha ni Hulyo. “Siya si Mister Kampyon! Pinalaki ko from egg to tadpole to adult frog! Nakita ko siya noon sa may kanal.”

Umangat kilay ni Kiel. “Ang weird mo talaga.”

Tumawa lang si Hulyo, tila lumiwanag ang mukha. “Bukas ipapakilala ko sa inyo bagong kaibigan ko.”

“PLEASE! HUWAG!” Sabay na angal nina Rain at Kiel.

Itutuloy...

edited. 9.21.26

Let LakanMaya know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Milky Treasures on a Healing Love

Booklover_rdx: A different but good story. Basically a love story with a twist- i enjoyed every word of it

Read Now
Werewolf Hollow [GALATEA DATE TBA]

user-tYYAB62Jw9: I loved your/this story, thank you 😊 . Look forward to more writings. I was so invested in the kids. Curious who or which one is Annie's mate. Maybe Dylan since Collin is a werewolf. Although she'd also make a good Luna. Smiles 🙂

Read Now
Welded Shut

Lesley: Not so keen on some of the sex descriptions..but read them anyway. Really interested in the story and where it’s going. I just want to keep reading to see where it leads

Read Now
Ruthless Lord

mutondimaluleke: Amazing story, loved every bit of it. I definitely recommend

Read Now
SECRET BILLIONAIRE

Jkind12: Very enjoyable!

Read Now
Bear Roberts

Fah🖤🖤dah: Great chemistry, an interesting plot, and characters you can’t help but get attached to. I really enjoyed this story! ❤️‍🔥

Read Now
An Irish Match

armirrenz: Story is great! It catches your interest in reading. Very good book

Read Now
Half-Claimed

Saraa: Hey! I really enjoyed your story. It made me wonder how you actually write. Are you someone who plans everything in advance, or do you discover the story as the chapters unfold?

Read Now
Bear Shifter Secrets

Shital: Good plot engaging ...enjoyed it

Read Now