Yesterday Once More
Mit deinen Freunden teilen
Lesbarkeit anpassen

Yesterday Once More

Alle Rechte vorbehalten ©

Zusammenfassung

Robbie never celebrated Christmas since he was five. Namatay kasi ang kuya niya sa mismong araw ng pasko fifteen years ago. Base sa childhood memories niya ay isang maalaga at mapagmahal na kuya sa kanya si John. Kaya naman labis ang galit na naramdaman niya nang mabalitaan niya sa Mama niya na nakalaya na mula sa kulungan si Justin Cardenoza, his late brother's murderer. He went to their old house sa province matapos niyang mabalitaan ang paglaya ni Justin. Ngunit nang araw na magkaharap sila matapos ang ginawa niyang pagset-up kay Justin ay nasagasaan siya ng isang rumaragasang sasakyan. Nagising na lamang siya na nasa katawan na siya ni Kyle Alonzo, Justin's bestfriend. Ngunit hindi pa doon natatapos ang magical moments sa buhay niya dahil natuklasan niya na nasa year 2007 siya. The same year kung kailan napatay ni Justin ang kapatid niya. Paano niya ililigtas si John kung sa bawat araw na lumilipas ay nahuhulog ang loob niya kay Justin?

Status:
vor 4 Jahren
Kapitel:
1
Rating
n/a
Altersfreigabe
16+

Prologue



Preview




Robbie Lopez




December 24, 2007


Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Peace on earth and mercy mild

God and sinners reconciled

Joyful all ye nations rise

Join the triumph of the skies

With angelic host proclaim

Christ is born in Bethlehem

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Hail the heaven-born Prince of Peace!

Hail the Sun of Righteousness!

Light and life to all He brings

Risen with healing in His wings

Mild He lays His glory by

Born that man no more may die

Born to raise the sons of earth

Born to give them second birth

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Peace on earth and mercy mild

God and sinners reconciled

Joyful all ye nations rise

Join the triumph of the skies

With angelic host proclaim

Christ is born in Bethlehem

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Glory to the new-born king

Nakatitig lang ako sa pagsayaw ng mga ilaw mula sa christmas lights na nakasabit sa malaking christmas tree na nakatayo sa living room ng aming bahay.

Kasabay ng pagtitig ko sa nakakawiling pagkislap ng mga ilaw ay ang pag-awit naman ng mga choir mula sa nakabukas na tv.

Nanonood kasi si Lola ng tv habang nahbuburda ng tela na nakahiligan na niyang gawin.

Sa edad ko na lima ay wala pa akong masyadong alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Basta ang alam ko lang ay isang tulog na lang at pasko na.

Nakatambay ako sa sala ng bahay namin kasama ni Lola. Hindi kasi ako pinapapunta sa kusina dahil busy sina Mama sa pagluluto ng mga ihahanda para bukas.

Nakadapa lang ako sa mahabang sofa habang nakatitig sa christmas tree.

"Robbie, magbihis ka na apo. Magsisimba na tayo mag-aalas otso na." paalala ni Lola.

Alas-nueve ang simula ng misa sa plaza at ako palagi ang isinasama niya sa tuwing magsisimba siya ng gabi.

Mabilis akong napaupo nang marinig ko ang pagbukas ng main door saka pumasok doon si Kuya John.

Natataranta ako na tumayo saka ako tumakbo palapit sa kanya. "Kuya!" masiglang sigaw ko sa pangalan niya.

Nakangiti naman niya akong sinalubong. Yumakap ako kay Kuya John. Niyakap din niya ako bago ako kinarga. Pagkatapos ay hinalikan niya ako ng tatlong beses mula sa leeg hanggang sa bilugan ko na pisngi.

"Kumusta na tong makulit kong kapatid ha? Hmm! Namiss kita." sabi niya saka niya ako mas nilambing pa kaya humagikgik ako nang tawa dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko.

"Naku! Binola mo na naman ang kapatid mo. Bihisan mo na yan at isasama ko siya na magsimba. Magsimba ka rin para mabawasan ang mga kasalanan mo." sabi ni Lola.

Natawa si Kuya saka siya sumagot kay Lola. "Lola naman, baka maniwala sayo tong si Robbie." sabi niya saka siya bumaling sa akin. "Huwag kang maniwala kay Lola, mabait si Kuya diba?"

Tumango ako saka ko siya niyakap.

"May pasalubong ako sa baby brother ko." masiglang sabi niya saka niya kinuha mula sa bulsa niya ang isang supot ng chocolate.

Tuwang-tuwa ako nang inabot niya sa akin iyon. Kaya mas lalo kong minahal ang Kuya ko dahil sa tuwing umuuwi siya ay hindi siya pumapalya sa pagbibigay ng candy at tsokolate sa akin.

"Naku, masisira ang ngipin ng batang 'yan binigyan mo na naman ng tsokolate." sermon ni Lola.

"Hayaan mo na 'La. Yan na nga lang ang kaligayahan ng bata eh. Saka di naman pasaway tong kapatid ko. Mabait nga to kaya mahal na mahal ko eh." sabi ni Kuya saka niya ako hinele na parang baby.

Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ako saka siya bumulong sa tenga ko. "Magbihis ka na. Baka magalit na naman si Lola mag-transform siya at maging dragon." sabi niya.

Humalakhak ako dahil sa biro niya. "Shhhh! Quiet ka lang baka magalit ang dragon." sabi niya.

Tumawa na naman ako saka na niya ako inakay papasok sa silid namin ni Lola. Si Kuya John na rin ang nagbihis sa akin at hinaharot din niya ako habang nilalagyan ng baby powder ang katawan ko.

Nang maisuot na niya sa akin ang t-shirt ko ay kinuha niya ang bote ng pabango ko saka niya ako winisikan.

Nilanghap pa niya ako saka siya nagsalita. "Bango na ng baby brother ko. Sige na pumunta ka na kay Lola baka mainip na yun." sabi niya.

Mabilis akong tumakbo palabas sana ng silid pero tinawag niya ako.

"Hep! Hep! Hep! May nakalimutan ka yata." sabi niya.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kama saka ko siya binigyan ng isang malutong na kiss sa pisngi niya.


Nang matapos niyang guluhin ang buhok ko ay tumakbo na ako palabas ng kwarto saka ko na pinuntahan si Lola.

Lass Nickolai214 wissen, was du von diesem Kapitel hältst!

Myxelis
Myxelis

Exciting po siya! Waiting for more po no pressure.

4 Jahre

Weitere Empfehlungen

Charly's Weihnachten

T.M: Ich kann es gar nicht anders sagen also ich liebe diese Geschichte einfach. Sie hat für mich einfach alles was es braucht. Sie hat mich einfach mitgenommen auf eine echt schöne Reise. Danke❤️

Jetzt lesen
Be my Dude

Petra : Eine wunderschöne und süße Liebesgeschichte!Die Handlung und die Charaktere haben mir sehr gut gefallen. Ich habe mich keine Sekunde gelangweilt und ich konnte mich beim Lesen wunderbar entspannen. Eine Wohlfühl-Geschichte! Einfach die Gedanken abschalten und anfangen zu lesen.Dieses Buch bekommt vo...

Jetzt lesen
Grimveil Gamma - Im Schleier der Schatten

Amy: Ich mochte Kirrok schon im letzten Teil, seinen Zynismus, der ihn oft in die Klemme bringt, aber auch so herrlich sympathisch macht 🥰😅😍 es ist sooo mitreißend und spannend geschrieben, dass sie Zeilen verfliegen und man am Ende angekommen ist. Hervorragende Unterhaltung, ich freue mich schon auf ...

Jetzt lesen
YOU AND ME

Grazia: Auch wenn diese Geschichte abgeschlossen ist und ein Ende hat, ist es für mich kein tolles Ende. Es ist als würde es mittendrin aufhören. Man will das Happy end weiterlesen, aber da ist nichts mehr, nur das kurze, knutschen und Freund und Freundin sein und dann .... Grundsätzlich mag ich die Geschic...

Jetzt lesen
Violet Blood

XhellionX: Eine spannende Kurzgeschichte über eine besondere Wölfin

Jetzt lesen
In Sneakers ins neue Leben

Suba: Eine ganz tolle und hinreißende Geschichte, wie im richtigen Leben. Ich habe die Geschichte gern gelesen und empfehle sie gerne weiter.

Jetzt lesen
Drachenherz – Zurück zu Dir

Snowstorm: Super Buch..... freue mich auf Band zwei

Jetzt lesen
Icebreaker

Mira: Insgesamt eine schöne Geschichte. Sehr angenehm zu lesen. Mir gefallen die Charaktere richtig gut. Insgesamt leicht zu lesen und somit perfekt für einen entspannten Lesetag zum abschalten

Jetzt lesen
Ich habe mich aus Versehen in den Alpha-Gruppenchat gehackt und jetzt will er mich als seine Gefährtin

Karin: Bisher eine mega mega tolle Geschichte....ich bin gespannt wie es weitergeht 🔥🐺🦹👍👍😘😘😘

Jetzt lesen