Chapter 1
Laire’s POV
"Laire! Gigising ka pa ba o balak mong matulog hanggang graduation mo?"
Napapikit ako nang mariin habang pilit iniiwasan ang boses na galing sa labas ng kwarto ko. Ang araw ay nagsisimula nang tumagos sa siwang ng bintana, at kahit gusto ko pang humaba ang antok, alam kong wala akong kawala kapag nagsalita na sya.
"Five minutes..."
"Sinabi mo na 'yan fifteen minutes ago."
Napabuntong hininga ako bago tuluyang bumangon mula sa kama. Kinusot ko muna ang mga mata ko at inunat ang mga braso bago tumayo at humakbang papunta sa pinto.
Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng amoy ng sinangag at itlog na niluluto sa kusina. Ang bango nito ay sapat na para tuluyang gisingin ang natitirang antok sa sistema ko.
And there he was.
My brother.
Rafael.
Nakatayo sya sa kusina habang nakataas ang isang kilay na parang disappointed na disappointed sa buhay ko. Nakasuot lang sya ng simpleng damit na madalas nyang gamitin sa bahay pero kahit ganoon, kitang-kita ang pagod kahit pilit nyang itago.
"Good morning" sabi ko habang hinihila ang upuan sa gilid ng hapag-kainan.
"Morning? Tanghali na."
"Seven palang."
"Exactly."
Umirap ako at kumuha ng plato para kumuha ng pagkain. Sanay na ako sa ganitong usapan. Halos araw-araw na lang kaming ganito, at hindi na bago sa amin ang magasaran tuwing umaga.
This was normal.
It had always been normal.
Just me and him.
Ever since our father left, kami na lang ang meron sa isa’t isa. Rafael never complained. Never made me feel like I was a burden. Kahit noong mga panahong sobrang hirap ng buhay, hindi nya ipinaramdam sa akin na may kulang o kulang kami sa anumang bagay.
Habang ang ibang tao ay may dalawang magulang na sumusuporta sa kanila, ako naman ay may kuya na ginawa ang lahat para hindi ko maramdaman ang pagkawala ng isa. Sya ang naging tatay ko, sya ang naging nanay ko, at higit sa lahat sya ang naging matalik kong kaibigan na hinding hindi ako iiwan.
"May exam ka ngayon, diba?" tanong nya habang inilalagay ang mainit na kape sa tasa ko.
Tumango ako habang ngumunguya nang dahan-dahan. "Oo, sinabi ng teacher namin na malaki ang porsyento nito sa final grade."
"Then eat properly. Huwag kang magmadali at huwag mong hayaang gutom ang tiyan mo habang nagsusulit."
"Yes, Dad."
Tinapunan nya ako ng tissue. "One more joke and I'll cancel your allowance."
Napatawa ako. Alam kong hindi nya iyon gagawin pero nakakatuwang makita kung paano sya nagpapanggap na seryoso kahit halatang natatawa rin sa loob.
For a moment, everything felt easy.
Safe.
Like nothing bad could ever happen to us.
Sa ganitong mga sandali, pakiramdam ko ay sapat na ang lahat. Kahit simple lang ang buhay namin, kahit hindi kami mayaman, basta magkasama kami ay parang wala kaming hihilingin pa.
"Kuya."
"Hm?"
"Pag yumaman ako, hindi mo na kailangang magtrabaho. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin natin."
Napahinto sya sa pag-inom ng kape. Tumingin sya sa akin nang matagal bago unti unting lumawak ang ngiti sa mga labi nya.
A genuine smile.
Yung ngiting nakikita ko lang kapag panatag ang loob nya.
"Good. Then I'll retire at twenty nine."
"Diba twenty nine ka na ngayon."
"Exactly."
Muli kaming nagtawanan. Ang tawanan nya ay hindi malakas pero sapat para punuin ang katahimikan ng aming munting tahanan.
If someone asked me what home looked like, it would be this.
A small apartment.
A noisy breakfast.
And my brother sitting across from me.
Nothing else.
Nothing more.
Mabilis lang lumipas ang araw. Parang kailan lang ay umaga pa at ngayon ay papatak na ang gabi.
Katulad ng lagi.
Mga lectures na minsan ay nakakaantok. Mga activities na kailangang ipasa sa takdang oras. Mga kaklaseng walang ibang ginawa kundi magreklamo tungkol sa deadlines at dami ng gawain.
Normal.
Ordinary.
Exactly the way I liked it.
Ayoko ng buhay na puno ng gulo o hindi inaasahang pangyayari. Ang gusto ko lang ay ganito, tahimik at payapa.
Pagkatapos ng huling klase ko, naglakad ako palabas ng campus habang nakasabit ang bag sa isang balikat ko. Huminga ako nang malalim at tinignan ang paligid.
Makulimlim ang langit.
Mukhang uulan mamaya.
Huminto muna ako sa convenience store malapit sa kanto para bumili ng paborito kong chocolate drink at kaunting meryenda para sa amin ni Kuya pag uwi.
Paglabas ko, kinuha ko agad ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. May bagong message na dumating habang nasa loob pa ako.
From Kuya.
—
Rafael: Umuwi ka nang maaga.
Napangiti ako agad nang makita ang pangalan nya sa screen.
Laire: Bakit? May espesyal na okasyon ba?
Rafael: Kasi sabi ko.
Laire: Wow. Very convincing. Parang bata lang ang dahilan mo.
Rafael: Libre kita ice cream pagdating mo dito.
Napahinto ako at halos tumakbo na sa tuwa. Alam nyang mahina ako sa matatamis at sa sorbetes.
Laire: On my way.
Agad akong napatawa sa sarili ko. Madali lang pala akong suyuin. Kahit simpleng bagay lang, sapat na para gumaan ang pakiramdam ko.
Pagdating ko sa apartment, agad kong nakita ang sapatos ni Rafael sa may pinto. Mukhang mas maaga sya nakauwi kaysa sa karaniwang oras ng pagbabalik nya galing trabaho.
"Kuya?"
"Nandito sa kusina."
Pagpasok ko roon, nadatnan ko syang may hawak na sandok habang may niluluto sa kalan. Ang usok at amoy ng pagkain ay agad na kumalat sa buong bahay.
Napataas ang kilay ko sa gulat at pagtataka.
"Anong meron? Bakit ka nagluluto nang ganito kaaga?"
"Wala. Gusto ko lang."
"Nagluluto ka nang kusa? Totoo ba 'yan?"
"Hindi."
Napatawa ako. "Ayan. Mas believable na 'yan. Huwag ka nang magsinungaling pa."
Umiling sya bago ituro ang lababo sa gilid. "Maghugas ka muna ng kamay at magpalit ng damit. Malapit na itong maluto at ayokong lumamig ang pagkain natin."
"Opo, nasa utos po."
Makalipas ang ilang minuto, magkatapat na naman kaming kumakain sa hapag. Simple lang ang pagkain na nakahain sa mesa, walang mamahaling sangkap o magarbong luto pero para sa akin, ito ang pinakamasarap na ulam sa buong mundo.
"Kamusta exam?" tanong nya habang sumasalin ng tubig sa baso ko.
"Okay naman."
"'Okay naman' meaning?"
"Baka pasado."
"Baka? Hindi ka ba sigurado?"
"At least realistic ako. Mas mabuti nang maghanda sa lahat ng posibleng mangyari."
Napailing sya habang ngumunguya. "Ako na kinakabahan para sa grades mo kaysa sa iyo mismo. Sana naman ay pagsikapan mo talaga."
"Masaya ka naman masyado. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para makatapos."
Ngumiti lang sya. At gaya ng dati, bigla kong naisip kung gaano karami ang isinakripisyo nya para sa akin. Hindi nya kailanman ikinuwento nang buo ang hirap na pinagdaanan nya noong ako ay bata pa. Hindi nya ipinapakita ang bigat ng mga problema sa buhay namin.
Pero alam kong marami.
Mas marami kaysa sa gusto nyang aminin.
Kaya minsan, gusto kong bumawi sa kanya. Kahit paano. Kahit unti-unti lang sa maliliit na bagay.
"Kuya."
"Hm?"
"Thank you."
Napatingin sya sa akin. Para bang hindi nya inaasahan ang mga salitang iyon na biglaang lumabas sa bibig ko.
"Para saan? Wala naman akong ginagawang espesyal ngayon ah.
"Ewan." Ngumiti ako nang malambing. "Sa lahat. Sa pag-aalaga sa akin, sa hindi pagsuko kahit mahirap, at sa pagiging laging nandiyan para sa akin."
Sandali syang natahimik. Tinitigan nya ako saglit bago umiling na parang pinipigilan ang emosyon nya.
"Drama mo naman. Kumain ka na lang bago pa lumamig ang pagkain natin."
Pero kahit ganoon, nakita ko ang maliit na ngiti sa labi nya na hindi nya maitago. At sapat na iyon para malaman kong nararamdaman din nya ang pasasalamat ko.
Nang gabing iyon, sabay kaming naupo sa lumang sofa sa sala. May pelikulang tumatakbo sa TV pero pareho naming hindi gaanong pinapansin ang kwento nito. Mas abala kaming magbigay ng sarili naming opinyon sa bawat eksenang lumalabas.
"Kung ako yan, umalis na ako agad sa sitwasyong iyan." Sabi nya habang kumukuha ng popcorn
"Sampung minuto pa lang ang movie. Hindi pa nagsisimula ang tunay na kwento."
"Exactly. Kung sa simula pa lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko, bakit ko pa tatagalan?"
Napatawa ako. Ang tawanan nya ay isa sa mga tunog na paborito kong marinig.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero kahit pinakasimpleng bagay, nagiging masaya kapag kasama ko sya.
Siguro dahil sya ang taong palaging nandiyan.
The one person who never left.
The one person I trusted more than anyone.
Habang nakasandal ako sa sofa, napatingin ako sa kisame. Sa gabing iyon, pakiramdam ko ay wala nang makakasira sa payapang buhay na mayroon kami.
Everything felt normal.
Everything felt safe.
And maybe that was why I never saw it coming.
Hindi ko alam na may mga lihim palang matagal nang nakabaon sa nakaraan. Mga bagay na akala ng iba ay nakalimutan na o tuluyan nang nawala.
Mga lihim na hindi kailanman tunay na nawala.
At kapag bumalik ang mga iyon...
Babaguhin nila ang lahat.
Including the people I loved most.








